Jacky Woo, mapapanood sa Magpakailanman

Jacky-WooISA SA mga linggong ito ay mapapanood ang Japanese, pero Pinoy by heart, na si Jacky Woo sa Magpakailanman. Ito yata ang unang pagkakataon na lalabas sa Magpakailanman si Jacky lalo na’t usong-uso ang Foreignoy.

Nakatakdang kapanayamin ng Magpakailanman si Jacky kaugnay sa pagkawili nito sa bansa at kung anong mga bagay ba ang nakapanghalina sa kanya at ginawa na nitong pangalawang tahanan ang Pilipinas, at ang kanyang effort na bigyan ng trabaho ang mga Pinoy na kanyang isinasama sa kanyang pelikula.

Sa ngayon ay tinatapos lang ni Jacky ang mga post-productions ng pelikulang dinirek niya rito sa Pilipinas na isang Japanese movie na puro Japanese ang artista at pagkatapos nito ay haharapin muli ni Jacky ang pag-arte ,at ito nga ay sa Magpakailanman.

John’s Point
by John Fontanilla

loading...

One thought on “Jacky Woo, mapapanood sa Magpakailanman

Leave a Reply

Your email address will not be published.