Jacky Woo, babalik sa bansa sa May

Jacky-WooILANG BUWAN nang hindi bumabalik si Jacky Woo sa Pilipinas dahil abalang-abala sa kanyang katatapos na Japanese film na rito sa Pilipinas kinunan. Si Jacky rin ang abala sa post productions ng movie kaya taling-tali siya roon sa Tokyo. Hindi tuloy siya makabalik dito sa Pilipinas na sabik na siyang makasama ng mga regular cast ng Bubble Gang. Balita namin ay sa May pa siya babalik.
Gayun pa man, binilinan ni Jacky ang kanyang Japanese staff dito sa Pilipinas na humanap ang isang school somewhere sa Bulacan na matulungan niya gaya ng school na pinagawa niya sa Nueva Ecija. Tutal, okay na raw ‘yung school doon sa Nueva Ecija, dito naman siya sa Bulacan tutulong kung saan kailangan ang tulong niya.

 

MAGAGANAP ANG engrandeng koronasyon sa May 27, 2014 sa Mall of Asia Arena at mapapanood sa June 1, 2014 sa GMA 7’s Sunday Night Box Office ang isa sa masasabing pinakamalaki at bonggang Miss Teen Earth Philippines at Little Miss Earth Philippines. Kung saan magtatagisan ng galing sa kani-kanilang talento, kagandahan at pagsagot ang 20 Finalists sa Ms Teen Earth Philippines at 20 Finalists sa Little Ms. Earth Philippines.

At ayon nga kay Vas Bismark, president of Captured Dream Productions and the pageants’ trademark owner, “Miss Teen Earth Philippines and Little Miss Earth Philippines want to spread awareness about the different environmental issues, organize activities to help preserve nature and be able to mobilize Filipinos to act with love and purpose in creating a cleaner, greener environment.”

John’s Point
by John Fontanilla

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.