Jackson Dy, May Protektor na Taga-NBI – CIDG

LUMALALA ANG bangayan sa pagitan ng Department of Justice (DOJ) at Philippine National Police – Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) sa kaso ng Chinese drug lord na si Jackson Dy.

Ito ay matapos akusahan ng dalawang lumutang na testigo ang mga pulis na nagbulsa umano ng shabu at pera nang dakpin si Dy at asawang si Wang Li Na sa San Juan.

Sinabi ni Police Senior Superintendent Jose Mario Espino na mismong ang testigo ng DOJ na isang guwardya ang nagsabi sa kanila na may taga-National Bureau of Investigation (NBI) na pumunta sa Infante Subdivision bago ang raid ng mga pulis sa bahay ni Dy.

Pinagalitan pa umano ng nagpakilalang NBI personnel ang witness dahil nagpapapasok ito ng kung sino-sino.

Samantala, nang ta-ngungin kung sino ang nasabing kawani ng NBI, sinabi ni Espino na hindi na nila ito natutukan dahil nakatuon sila noon sa misyong dakpin si Dy.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.