Jackie Rice, to warm rainy afternoons!

BUKAS NA ANG inaaba-ngang renewal of vows nina Sen. Bong Revilla at Cong. Lani Mercado.

Gaganapin ito sa Shrine of St. Therese of the Child Jesus sa may Pasay City at sabi nga ng mag-asawa, mas kabado raw sila ngayon kesa sa nakaraang kasal nila.

Mas malaki nga ito kung ikumpara sa dati dahil nasa pulitika na rin kasi ngayon si Lani kaya mas maraming mga taong involved. Siyempre ninang ako du’n kasama ang mga tumayong ninong at ninang din nila nu’ng ikinasal sila sa Cavite.

Sabi nga ni Bong, ang isa pa raw sa nakakaragdag ng kaba sa kanya ay ang mga anak nila na sobrang excited. May participation na sila rito, at natatawa ako sa kuwento ni Bong na sobrang conscious daw ang anak niyang si Gianna sa pagpapapayat.

Tuwing umaga raw nagtitimbang ito kung nabawasan na raw siya o hindi. Kaya hindi lang sina Bong at Lani ang bida rito kundi mga anak din nila.

Sina Bryan, Jolo at Inah ang maghu-host sa reception at parang may mini-concert daw ito, dahil ang alam ko limang kanta ang niri-rehearse ngayon ni Bong para haranahin daw niya si Lani.

Si Lani naman nagiging emotional na ngayon dahil wala raw itong ginawa kundi iyak nang iyak tuwing ini-interview para sa special ng kanilang wedding na mapapanood sa GMA-7.

Sabi naman niya, tears of joy ‘yun dahil bihira nga naman sa mga showbiz couple na umabot ng 25 years ang pinagsamahan. Lalo na ang sa kanilang dalawa na ang da-ming intrigang pinagdaanan.

Hay, naku! Tiyak na iyakan na naman iyan sa wedding mismo dahil si Bong daw may inihandang vows na sasabihin nito kay Lani sa seremonya.

Abangan n’yo ‘yan dahil i-palalabas ang wedding special nito sa GMA-7.

 

TAG-ULAN NA AT ngayon pa lang ipalalabas ang bagong Dramarama sa Hapon ng GMA-7 na Sisid na pagbibidahan ni Jackie Rice.

Medyo natagalan bago ito sinimulan dahil tinuruan muna nang husto si Jackie ng tamang paglangoy lalo na’t may mga underwater scenes ito.

Summer na summer pa rin ang dating ng bagong seryeng ito ng GMA-7 na magsisimula na sa Lunes pagkatapos ng Nita Negrita.

Bukod sa kaseksihan ni Jackie, nandiyan din si Rich Asuncion at ang mga hunks na sina JC Tiuseco at Ian Batherson, pati si Dominic Roco.

Si Ricky Davao ang director dito at mala-king challenge ito sa kanya dahil karamihan ay mga bago pa lang sa aktingan kaya kailangang pigain niya talaga nang husto para maging maganda ang kanilang pag-arte.

Sa presscon ng Sisid ay hiningan ng reaksyon si Jackie tungkol sa pinagdaraanan ngayon ni Iwa Moto.

Si Iwa ang kasabayan niya sa Starstruck at madalas na pinaglalaban sila dahil pareho naman kasing pasaway ang dalawang ito.

Matagal na raw kasing walang komunikasyon sina Iwa at Jackie kaya gusto nga raw niya itong makausap.

“Matalino naman si Iwa, eh. Siguro ang best na ma-advice ko sa kanya, ipagpatuloy n’ya lang ‘yung work n’ya para ma-libang s’ya, at sa pamilya n’ya.

“Alam mo yun, magbigay s’ya ng time para kung ano’ng pain ang nararamdaman n’ya, malampasan n’ya ‘yun,” payo ni Jackie kay Iwa.

 

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.