Jackie Rice, sobrang daring sa indie film

Jackie-RiceWALANG PROBLEMA kay Jackie Rice kung third choice lang siya sa indie film na pinagbibidahan ni Allen Dizon na idinirek ni Joel Lamangan. Ang importante, gusto raw niya ang role at saka matagal na rin daw siyang walang ginagawang pelikula.

Tamang-tama naman ang paglabas niya sa indie film dahil muling bumalik ang kaseksihan ni Jackie. Matatandaang malaki ang ipinayat ni Jackie dahil naging maselan siya sa pagkain at wala naman daw kinalaman ang pag-ibig.

Nagpasalamat si Jackie sa mga kasamahan sa Bubble Gang na laging nakasuporta sa kanya kahit anumang problema ang dumating sa kanya.

Sa taping nga ng Bubble Gang na napapanood every Friday sa GMA 7, isang pagkaseksi-seksing Jackie ang nakita namin at masayang-masaya.

Kay Jackie rin namin nalaman na super daring nga ang role na ginampanan niya sa indie film sa role na ikatlong wife ni Allen. Totoo raw na may pumping scene sila ni Allen Dizon na first time niyang ginawa. Kailangan daw kasi sa istorya kaya siya pumayag at saka si Direk Joel naman daw ang kanilang director.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.