Bagong non-showbiz bf, may dyowa na? Jackie Rice, pinagtatakpan ang kaibigang si Iwa Moto?

KAHIT PATULOY NA pinagkukumpara ang naging kasikatan nina Jackie Rice at Iwa Moto, nanatili pa ring magkaibigan ang dalawa, dahil magkasabay naman silang pumasok sa showbiz sa pamamagitan ng Starstruck ng GMA-7. Pareho pa nga silang nabansagan na mga pasaway noon sa bakuran ng Siyete.

Kaya sa unang sultada ng kanilang pagpapasikat sa showbiz, medyo nalaglag si Jackie dahil kinastigo siya ng Kapuso Network at halos dalawang taon na lumamlam ang career. Habang si Iwa noon ang umabante ang career, dahil bukod sa nakakaarte siya na bagay magkontrabida, pansinin ang kanyang kaseksihan.

Nabaligtad ngayon ang sitwasyon. Bumawi si Jackie at nang muling pagkatiwalaan ng GMA, nagseryoso sa kanyang trabaho, kaya mu-ling nakapagbida sa teleserye at ngayon ay hindi na nababakante. Habang si Iwa naman ay naging magulo ang lovelife, lalo na nang ma-link siya kay Mickey Ablan. Naapektuhan pati ang kanyang trabaho. Nasa Japan ngayon si Iwa, pero nagkakausap pala sila ni Jackie, at kinukumbinsi na niya si Iwa na bumalik na sa Pilipinas.

Hindi inilalaglag ni Jackie si Iwa kapag kinukulit siya ng press na magkuwento tungkol sa pinagdaraanan ngayon ng Tsinitang aktres. Bukod kasi sa patuloy na gusot nina Iwa at Mickey, isang non-showbiz girl ngayon ang nanlalait at nagagalit kay Iwa dahil diumano’y mayroong isang guy na malapit ngayon sa dalaga. Pero ang nasabing guy raw ay mayroon na palang girlfriend na siyang nanggagalaiti sa ngayon at palaban na tinatarayan din si Iwa.

“Wala po akong alam. Ang lagi ko lang pong sinasabi kay Iwa ay bumalik na siya sa Pilipinas. Kasi nga, sayang ang career niya. Iyon po ang lagi naming pinag-uusapan,” wika ni Jackie.

 

MAALAGA SA KANYANG hitsura si Zoren Legaspi, kaya hanggang ngayon, hindi pa halos nagbabago ang kanyang hitsura.  Mas mukha pa nga siyang batang tingnan kumpara sa nakababata niyang kapatid na si Kier Legaspi. Kaya nga, hindi rin nakapagtataka na marami pa ring kababaihan ang humahanga sa kanya. Pero wika ng mga nakakakilala sa aktor, honest si Zoren sa relasyon nila ni Carmina Villaroel, kaya no pansin na sa kanya ang mga magagandang kababaihan na nakikilala niya sa ngayon.

Pinagtiyagaan pala talaga ni Zoren na dumating ang tamang panahon na mapunta sa kanya si Carmina. Pagkatapos kasi ng relasyon nila ni Ruffa Gutierrez, gustung-gusto na talaga niya si Mina, kaya lang ay naunsiya-ming patunayan iyon, dahil ang karelasyon noon ng aktres na humantong sa kasalan ay si Rustom Padilla. Iyon din ang panahon na nalungkot si Zoren para sa kanyang lovelife, dahil nagkahiwalay nga sila ni Ruffa at hindi na rin libre si Carmina.

Isang taong nakakakilala kay Zoren ang nagkuwento sa amin, na nakakabilib pala ang ginawa ng aktor nu’ng malaman niyang nagkahiwalay na sina Carmina at Rustom. Naghanap at nagtanong daw si Zoren sa mga taong may nalalaman sa hiwalayan ng dating mag-asawa. Nang matiyak daw ni Zoren ang dahilan ng nasabing hiwalayan at matiyak din na wala nang pag-asang magkabalikan pa, mabilis daw na nagparamdam agad kay Mina ang utol ni Kier para manligaw.  “Sobrang love ni Zoren si Carmina, lalo na nu’ng magkaroon sila ng mga anak, kaya wala tayong mababalitaan na natukso siya sa ibang babae. Kasi nga, malungkot ‘yung pinagdaanan dati ni Mina, kaya todo-todo siyang dinamayan ni Zoren,” tsika ng source naming malapit sa aktor.

ChorBA!
by Melchor Bautista

loading...

7 thoughts on “Bagong non-showbiz bf, may dyowa na? Jackie Rice, pinagtatakpan ang kaibigang si Iwa Moto?

  1. pano naging tsinita si iwa e taga-japan yun, baka haponesa ang ibig mong sabihin. ang tsinita po ay taga-china, fyi lang.

Leave a Reply

Your email address will not be published.