Jackie Rice on the rise!

Hot na hot talaga ang Starstruck Ultimate Female Survivor sa January 2010 issue ng FHM Philippines. Paniguradong tatangkilikin na naman ito ng mga lalaking tunay na humahanga sa batang aktres. Hindi ito ang unang pagkakataon na nagpa-sexy si Jackie sa isang magazine, pero halatang-halata naman na mas mapusok at mas pinaghandaan ito.

Hindi na talaga papipigil sa pagsikat itong si Jackie. Isa rin siya ngayon sa kontrabida ni Marian Rivera sa Darna kung saan ginagampanan niya ang papel na Helga, ang babaeng demonyita. Nakilinya na rin siya sa mga kontrabida ng Darna tulad nina Katrina Halili, Rochelle Pangilinan at Regine Velasquez.

May follow-up project na agad si Jackie sa Siyete pagka-graduate niya sa Darna. Isa siya sa bida ng Panday Kids kasama sina JC De Vera at Jolina Magdangal. May haka-haka rin na siya raw ang gaganap sa TV version ng Hilda Koronel starrer na Angela Markado. Tiyak na magiging malaking break ito sa dalaga kung sakaling matuloy nga ang proyektong ito. Bagay rin naman sa kanya dahil hindi lang siya basta maganda, sexy pa!

Unsolicited advice lang namin para kay Jackie: Huwag ka nang maging pasaway! Dapat matuto ka na sa mga nangyari noong nakaraan. Career muna bago lovelife. Bata ka pa naman, iha.

By Pinoy Fans Club

Comments? Questions? Suggestions? Email us at pinoyfansclub@gmail.com or visit our website at http://www.pinoyfansclub.com

loading...

6 thoughts on “Jackie Rice on the rise!

  1. i dont think maibabalik pa ni jackie rice ang montik montikan na nyang pagsikat nuon, naglaho na ang karisma ng babaeng ito dahil sa pagiging pasaway. minsan lang dumating ang swerte kapag pinalagpas na, wala na yun day!

Leave a Reply

Your email address will not be published.