Jackie Rice, nagsisigaw sa bagong serye

Jackie-RiceHINDI NAPIGILANG mapahiyaw sa sobrang tuwa ang Bubble Gang Girl at isa sa aabangan sa newest teleserye ng GMA 7, ang Innamorata, na si Jackie Rice dahil na rin sa pagkakaroon nito ng bagong teleserye after almost one year.

Kuwento nga ni Jackie, last January 20, 2014 sa mismong taping ng Bubble Gang sa GMA Annex Studio 6 na, “At last may show na ako ulit ! Biruin mo almost one year bago ako ulit magkaroon ng soap. Nakakatuwa, ‘di ba?” Pasigaw na pahayag ni Jackie.

“Happy talaga ako, kasi bukod sa may bago akong show bukod dito sa Bubble Gang, ang makakasama ko rito, mga taga- Bubble Gang din, parang extention lang ang Innamorata ng gag show namin,” natatawa at excited na pahayag ni Jackie.

“Kasama ko si Max Collins , Gwen Zamora at kasama namin dito si Diego, ha? Feeling ko, first soap ito ni Diego, kaya dapat abangan ng tao. Hahaha!”

Bakit sobrang tagal bago ka nabigyan ulit ng bagong teleserye ?

“Hindi ko rin nga alam, kahi’t ako nga nag-iisip din bakit parang every once a year lang ako nabibigyan ng soap? Hahaha! Clueless talaga ako kung bakit? Minsan nga tinatanong ko rin ang sarili ko ‘pag may nagtatanong sa akin ng ganyan.

“Pero hindi ko talaga alam, hindi naman ako nagtatanong sa kanila, kasi alam ko naman na hindi nila ako papabayaan. Alam ko na bibigyan nila ako ng ibang show bukod sa Bubble Gang. Iniisip ko na lang na siyempre hindi lang naman ako ‘yung artista, marami naman kasing artista na ngayon sa GMA 7,” pagtatapos ni Jackie.

John’s Point
by John Fontanilla

loading...

2 thoughts on “Jackie Rice, nagsisigaw sa bagong serye

    • GANYAN TALAGA SA SHOWBIZ, PAG MAHINA KA SA MANAGEMENT, MADALANG PA SA PATAK NG ULAN ANG PROJECT NA IBIBIGAY SA IYO. KAYA NGA SIGURO YUNG MGA BAGO PANG NAGSISIMULA EH NATUTULUYAN MAGPAHADA SA MGA BADING.
      LOL!

Leave a Reply

Your email address will not be published.