Jackie Rice, nagda-drugs?!

KUNG DATI ay iniilusyon ng kalalakihan si Jackie Rice dahil sa kaseksihan at nakakasilaw na flawless na kutis, ngayon ay parang pinagdidirian na siya ng mga barakong nabaliw sa kanyang alindog.

Ang laki kasi ng ipinayat ng mestisang actress na nagmukhang tuyot at akala ng iba ay nagda-drugs daw ba ito o may sakit na walang nang lunas.

Pero lahat ng ito ay itinatwa ni Jackie. Sadya lang daw siyang nagpapayat bilang paghahanda sa serye niya, sa kanyang role sa Kasalanan Bang Ibigin Ka? Dahil sa huling pagbibida raw niya sa Sisid ay sinasabihan siyang mataba.

“Grabe naman sila. Pumayat ka lang, sasabihin nang nagda-drugs. Wala akong sakit na nakahahawa,” bungad ni Jackie.

“Noon wala akong show ay nag-diet ako. Nagpunta ng gym para pumayat. Pero mukha nga raw nasobrahan ako sa pagpapapayat. Maganda raw ‘yung may konting laman. Kaya marami ang nagpayo na kung puwede raw na magpataba ako nang konti para may glow ang mukha ko. Okey naman kasi napapansin ko rin na sobrang lumiit ang mukha ko. Hindi na nga magandang tingnan. Bago pa sila maghinala na may kung anong sakit ako, kakain na ako ulit ng marami,” say pa ni Jackie.

Napapanood pa rin si Jackie sa Bubble Gang every Friday sa GMA-7 kasama sina Ogie Alcasid, Michael V, atbp.

 

AI-AI DELAS Alas at boyfriend na si Jed Salang, magpapakasal na sa Las Vegas? Ito ang laging itinatanong kay Ai-Ai ng mga kaibigang reporter.

Pero sana lang ay natagpuan na ni Ms. Ai-Ai ang tunay na magmamahal sa kanya at hindi dahil lang sa kanyang kasikatan.

Hindi kasi maialis sa isipan ng mga nagmamahal kay Ai-Ai na baka pera lang niya ang hangad sa kanya at pagkatapos pagsawaan ay iwanan na parang basahan.

Sana rin ay tama ang naging desisyon ni Ai-Ai na hindi tinanggap ang movie na entry sana sa Metro Manila Film Festival.

Anyway, sigurado namang pagbalik nito ng bansa mula Tate ay dagsa uli ito ng projects at shows.

 

VERY PROUD si Laguna Governor E.R. Ejercito sa anak na si Jericho na pinasok na rin ang showbiz. Bago pinayagan ni Gov E.R. ang anak na mag-artista ay pinagbilinan ito na priority ang pag-aaral bago ang lahat. Dahil maganda naman ang ipinakita nitong grado sa pag-aaral ay pinayagan na rin ito at ngayon nga ay gaganap na bida sa remake ng Ben Tumbling.

Unang sabak pa lang sa interview ni Jericho sa press ay tinanong kaagad siya sa nangyaring kissing scene nila ni Kris Bernal sa movie.

Ayaw sanang mag-elaborate pa ni Jericho tungkol sa kissing scene nila ni Kris, pero nang sabihin ng press na makatutulong ito sa team-up nila ni Kris ay pumayag na rin itong pag-usapan.

Sabi ni Jericho, sa first shooting day pa lang nila ni Kris kinunan ang halikan. First time raw nilang magkita at sa halikan raw nila ay halata raw na hindi pa nakapag-adjust si Kris kaya kinabahan daw ito at nangatog ang mga tuhod bago kunan ang kissing scene.

Siste pa ay hindi naman daw sila nag-workshop ni Kris dahil sa mismong set na lang sila binigyan ng instruction na maghahalikan. Dalawang beses silang naghalikan.

Kapag naiisip raw ni Jericho ang nasabing kissing scene nila ni Kris ay hindi raw niya maiwasang matawa dahil siya raw na baguhan sa showbiz ay hindi kinakabahan at si Kris pa raw na matagal nang umaarte ang nakaramdam pa raw ng kaba.

Puring-puri ni Jericho ang sobrang kabaitan ni Kris at pagiging down to Earth. Wala raw itong reklamo sa set at palagi lang tahimik.

Ask si Jericho kung handa ba itong magpakita ng katawan sa pelikula. Walang kagatul-gatol na sinabing okey lang basta walang lalabas na maselang parte ng katawan.

 

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

loading...

3 thoughts on “Jackie Rice, nagda-drugs?!

  1. jackie rice? another starlet ng kapuso? masyado bang big deal kung pumayat o tumaba ang isang struggling starlet? pwede ba wag pag aksayahan ang mga second rate “actress” oh bold actress pala hahahahahahahahahahaha

Leave a Reply

Your email address will not be published.