Jackie Rice, nag-birthday sa orthopedic

Jackie-RiceSA APRIL 27 pa ang eksaktong kaarawan ni Jackie Rice pero nag-celebrate na siya ng maagang kaarawan last April 11 sa piling ng mga batang pasyente ng Philippine Orthopedic Center.

“First time ko na mag-celebrate sa POC at sobrang sarap ng feeling na mai-share ang mga blessing na natatanggap ko. Iba pa rin talaga ang pakiramdam na makapagbigay ng ngiti sa mga tao,” say ni Jackie.

Birthday wish ni Jackie: “I’m very contented with my career. Currently, I have Innamorata and Bubble Gang, so sana tuluy-tuloy lang talaga ang trabaho at blessing.”

Nagpapasalamat din si Jackie sa mga kasamahan niya sa Bubble Gang na napapanood every Friday sa GMA 7 dahil laging nakasuporta sa kanya at laging nandiyan para bigyan siya ng kasiyahan sa tuwing siya ay may matinding problema.

Gusto ring linawin ni Jackie na walang katotohanan na nagrereklamo na siya sa GMA 7 dahil walang project na maglalabas ng kanyang galing sa pag-arte.

Naniniwala si Jackie na hinahanapan lang siya ng magandang project na babagay sa kanya.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

loading...

3 thoughts on “Jackie Rice, nag-birthday sa orthopedic

    • nyahahahaha ayy ganoon ba? isang Sossy Mag siya ang cover para sa kanilang 25 anniversary issue yan ang METRO magazine…bwahahahah isang malaking Billboard,,abangan mo sa EDSA ,,,,,BELO hahahah baka yung Idol mo hahahah Head and shoulder, Head and Shoulder pa rin ahah mang Inasal, Mang Inasal hahahah ala na bang bago hahahahah yun ang Starlet hahahah

  1. Pingback: Jackie Rice, nag-birthday sa orthopedic - ShowbizNews.ph

Leave a Reply

Your email address will not be published.