Jackie Rice: Makasisira lang sa career ang non-showbiz boyfriend?!

NAG-FILE NA SI Richard Gomez ng Motion for Reconsideration sa Comelec nu’ng Sabado ng hapon bilang susunod na hakbang nila sa disqualification ng kandidatura nito sa Ormoc.

Nakakaloka naman kasi itong si Goma, parang inaalat ito tuwing sumasali siya sa pulitika.

Malakas daw kasi sa survey kaya siguro talagang ginagawan ng paraan para hindi matuloy ang pagtakbo niya.

Sabi nga ng abugado ng aktor, hindi naman daw puwedeng hayaang ‘di matuloy ang pagtakbo nito dahil wala nang kalaban ang katunggali nito sa pagtakbo bilang Congressman ng Ormoc.

Kaya kaagad na nagsumite sila ng Motion for Reconsideration at doon daw nakakabit ang mga ebidensiya nito na talagang residente siya ng lalawigan ng Ormoc.

Iyon lang naman daw ang puwede nilang ilaban kay Goma, ang residency nito, kaya talagang ginagawan daw ng paraang ‘di ito matuloy sa pagtakbo.

Sabi pa ng abugado nito, kung ibabasura pa ang Motion for Reconsideration nila, itutuloy nila ito sa Supreme Court kaya ang haba nga ng lalakbayin nito.

Kaya so far, tuloy pa rin ang pagtakbo ni Goma sa Ormoc at nilinaw nitong pagdating ng eleksiyon ay bibilangin pa rin daw ang boto nito.

Pero ang hirap ng ganyan, talagang pinapahirapan si Goma para hindi lang matuloy.

Kaya sobrang masama raw ang loob ng asawa niyang si Lucy Torres na talagang lehitimong taga-Ormoc dahil ngayon pa lang ay ang dumi na raw ng ginagawa ng kalaban nila.

Hay naku! Para sa akin, mas tahimik pa rin talaga ang buhay ng wala ka sa pulitika. Hindi pa mababawasan ang kita, pawang labas ng labas lang ng datung.

Pero wala naman tayong magagawa. Kung talagang gustong magsilbi ni Goma, hayaan na natin siya at suportahan na lang.

ANG LAKAS NA ng dating ngayon ni Jackie Rice. Nang mag-promote ito ng Panday Kids sa Startalk, parang lalo itong gumanda at napapansin ko ang mga kalalakihan sa studio, tahimik talaga at pinapanood siya.

In fairness naman, bagay sila ni JC de Vera na ka-partner niya sa bagong fantaserye ng GMA7. Pero sey ni JC, malabo raw silang magkadebelopan ni Jackie, dahil dinig ko sila pa rin ng non-showbiz boyfriend nito.

Kahit sinasabi ni Jackie na loveless siya ngayon, parang ayoko pa ring maniwala kasi sinasabihan na raw ito ng ilang malalapit niyang kaibigan na hiwalayan na niya itong boyfriend niya.

Lagi namang nakabantay ang Mommy ni Jackie kaya sana masubaybayan niya nang maayos ang anak niya.

Ilan daw sa mga katrabaho ni Jackie ay binabalaan siya na mag-ingat, dahil tingin nila makasisira lang sa career niya itong boyfriend niya.

Ang ganda-ganda pa naman ng takbo ng career niya kaya dapat na pag-ingatan na niya ito dahil mahirap nang magkamali na naman siya.

Mukhang maghi-hit naman iyang Panday Kids na magsisimula na mamaya pagkatapos ng 24 Oras, kaya tingin ko lalong makatutulong ito sa career ni Jackie.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

5 thoughts on “Jackie Rice: Makasisira lang sa career ang non-showbiz boyfriend?!

  1. ang akala ko ang mga bida sa panday kids ay yung mga bata dahil panday kids nga.

    sa ibang mga artikulo yung lips to lips nina jc at jacky rice ang mga ibinabandera kung ano ang lasa ng laway/labi ni jc.

    siguro mas maganda kung gawan ng lampungan at bed scene sina buboy villar at yung batang babe na co-star nya, ano sa palagay nyo?

    pambatang show linalagyan ng mga angulong kalaswaan.

  2. Ano ba ang smeron talaga sa pulitika at kahit mga artista ay atat na atat mag pulitiko? Pera!! Hay naku..pera . Hindi pa ba sapat ang pera sa pag aartista at tutulad pa sa mga ganid na pulitiko? Mas malinis pa ng konti ang kaluluwa ng mga artista kesa sa mga pulitiko kaya!!

  3. Si Richard kating-kati maging politiko, at kahit di siya pwedeng tumakbo, susubukan pa ring lumusot. Anong klaseng ehemplo ang ipinapakita niya na di pa siya nakaposisyon ay binabale-wala na ang patakaran ng saligang batas? Sa mga pag-uugali niya mula noon, kawawa lang ang mga taong taga Leyte kung ito ang naging congressman nila. Mainitin ang ulo, di nag-iisip bago magsalita, basagulero, di matalino…tulad na lang nang sangkatutak na artistang nakaposisyon na na sayang lamang ang binabayad ng mga taong bayan sa kanila. Mga taga Leyte, wag kayong magbulag-bulagan sa taong ito. Wala siyang pakialam sa inyo. Gusto lang niya ng stepping stone para maging senador. Wala siyang kaalam-alam sa mga situwasyon na hinaharap ninyo diyan, at wala yang balak tumira sa Ormoc kung may bahay din naman siya sa GH at sa Makati. Di porke asawa niya ay taga diyan ay iboboto ninyo. Mag-isip kayo nang ilang daang beses bago ninyo suportahan itong sawang ito.

    • funny that he will run to represent Ormoc when he can’t speak their dialect, gosh, hit the man in the head baka mahimasmasan.

Leave a Reply

Your email address will not be published.