Jackie Rice: Maganda na ang aura ng dating gimikera

WHOAA! ISANG SIMPLENG babae, nakasuot ng bulaklakin nang makita ko sa Studio 6 ng GMA-7 sa taping ng Bubble Gang. Nataong nagustuhan ko ang suot niya, na talaga namang maganda at bagay sa kanya. Siya si Jackie Rice, 20 years old. Isang Pinay mestiza, ang kanyang ina ay Pilipino at ang kanyang ama ay isang Amerikano. Tubong-Olongapo City, Zambales si Jackie. Tila masuwerte ang actress na ito at sunud-sunod ang kanyang project. Katulad ng parating na afternoon soap ng GMA-7 na Sisid. At marahil sa kakasisid niya ay sinasabi niyang nagiging ‘tan’ na ang kanyang kulay, marahil sa alat ng dagat. Tila isa ‘ata nga siyang ‘mermaid’ dito. Half-breed mermaid mula sa West Coast, hahaha! Heto pasadahan na natin ang aming one-on-one interview.

Tinanong ko kung lagi siyang nagsu-swimming, “Oo, ang itim ko na nga, eh!” Ah, dahil ba sa soap mo, kelan ba ‘yun lalabas?  “Ah, month of May pa po ‘ata ‘yun.” So, ito ‘yung pinaka-first big break mo, so far after Starstruck? Excited ka?  “Excited syempre. Kinakabahan din. Ewan ko, kasi everytime na may show ako, nae-excite s’yempre.” Ah, nag-physical training ka? Work-out? Swimming? “Ah, swimming.” Sa’n ang location n’yo? “Ah, sa Nasugbu, Batangas.”

Heto’t inumpisahan na nating kulitin. Ah, Jackie Rice, nu’ng bata ka ba eh, iniisip mo na magiging artista ka? “Actually, hindi, hehehe! Ano… pero gusto ko…” sabay bawi niya na mas gusto niya mag-artista.

Oo nga naman, iba ‘yung kinang ng showbiz. “Pero ‘nung maliit ako, nagpupunta ako ng banyo, tumitingin ako ng salamin. Ganu’n ako nu’ng bata. Kaya ‘eto na nga nasa showbiz na ako.”

Ah, totoo  ‘yun. Kaya ‘pag ipinasok mo sa isip mo at naging dream mo, totoo ‘yun na mangyayari, kelangan mo lang na i-praktis siya. Then, one day mapupuntahan mo ito. “Totoo! ‘Ako, ‘di ba nag-umpisa ako sa Starstruck, tapos ang alam nila eh, may dayaan nu’n.  Pero wala talagang dayaan. Kasi nakapila ako noon sa labas. Bawal ka umalis sa pila mo kasi maagawan ka. Hindi kami makakain nu’n.”

Tapos, nu’ng nakapasok ka ba sa Starstruck, ano ang naramdaman mo? “Happy. Siyempre, makapasok lang ako, masaya na ako, eh. Pero ang ibinigay sa akin ng Diyos, sobra sobra pa, pinanalo niya ako.”

TUWANG-TUWA NANG MAGING ARTISTA

Okey, sino ngayon ang parang ka-loveteam mo? Na parang sabihin natin na-involve ka, na kung anuman ‘yun? “Actually, wala naman, eh. Ngayon nga eh, walang masyadong sinasabi tungkol sa akin, eh. Kasi, before siguro, ang dami nang sobra. Na kesyo pasaway ako, gimikera. ‘Yung parang naubos na ‘yung mga sinasabi nila na ‘yun kaya wala nang write-ups.”

Sa bagay, nabalita nga na nasuspindi raw silang dalawa ni Iwa Moto dahil nga sa mga gimik na tila isang buwan yata silang nawalan ng trabaho. Sa bagay, sa aming pag-uusap ay tila marunong na ito sa buhay. At kuwidaw! Ang nasa isip niya ay panay trabaho. Well, that’s the good reason to stay on her career as an artist. “Ang layo sa before, kasi hindi ako nagbabasa ng script. Ngayon ‘eto na, darating ako on time.”

Para sa kanya, ‘di na niya ito babalikan, ang dati niyang nakagawiang mga gimik at baka mawalan na siya ng career at trabaho. At dahil naman sa pag-aartista niya, nakabili na siya ng kotse at bahay. “Nagre-renta lang kami dati.”

Ayon sa kanya, masaya siyang pinanonood ng kanyang pamilya at daddy niya. “Kaya nu’ng wala akong trabaho, sabi ng daddy ko, mag-apply na lang daw ako sa mga fastfood d’yan! Nakakaloko ‘yung daddy ko, ‘noh?” Hahhahah!

Well, ilan kayong magkakapatid? “Sa daddy ko, ako lang po. Sa mommy ko, lima kami. ‘Yung apat po, half-brothers ko.”  Bagay minsan lang dumako ang magandang kapalaran sa tao at ang trabaho ay dapat natin itong mahalin. Ito ang larawan sa canvas.

For comments and suggestions, call tel. no. 3829838, e-mail: orobiakpp@yahoo.com, maestrorobiaparazzi@yahoo.com or visit www.pinoyparazzi.com

ni Master Orobia

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.