Jackie Rice, ilang pag-usapan ang virginity!

WISH NI JACKIE Rice, matalbugan niya ang iba pang hubaderang nag-pose sa FHM. Walang kaipokritahang nasabi ni Jackie na lahat ng nagtangkang mag-pose sa FHM at lumaki ang pangalan ay ito ang pinapangarap, ang maging pinaka-reyna sa lahat.

“Ngayon pa lang naman ako nagbabalik,” sabi ni Jackie. “Nakapag-topless na ako sa pictorial, kaya walang problema. Maski sa pelikula, basta trabaho lang at wala namang babuyan. Kung maganda ang role at hindi naman basta dyugdyugan ever lang ‘yun, papayag ako.”

O, palaban din si Jackie, ‘di ba? Basta lang daw may realism doon sa materyal ng pelikula, na kailangang magpakita ng kaseksihan, by all means, handang makipagsabayan si Jackie.

Naging pasaway si Jackie, at aminado siya rito. Ito ang dahilan kung bakit pagkatapos na magwagi sa Starstruck noon, bigla naman siyang nawala sa eksena.

“Sa pagiging pasaway ko naman, marami akong natutunan,” sabi pa niya. “Nawalan ako ng trabaho. Uma-attend ako sa commitments ko, pero late nga lang. Puyat akong dumarating sa set. Nasuspinde ako that time.”

That was 2006 daw yata na two months siyang nasuspinde. “Nang magbalik ako, wala na akong trabaho,” aniya.

Umaayon kay Jackie ang panahon. Hindi naging hadlang ang pagta-topless niya sa FHM para magdalawang-isip ang GMA7 sa pagpapa-project pa rin ng sweet image kay Jackie sa bagong tele-fantasyang Panday Kids, sa pangunguna ng child actor na si Robert “Buboy” Villar. Sa Darna before, nagkontrabida naman siya.

“Masaya na ako sa ganoon, iba-iba ang nagagawa ko,” sabi pa ni Jackie. “Lahat natututunan ko. Nagba-’Bubble Gang’ din ako. Lahat ng ginagawa ko, may katuturan.”

Hindi naman daw nagrebelde si Jakie noon. Dala lang ng kabataan, gusto niya ay laging gumigimik.

“Mahilig lang  ako sa gimikan,” patuloy niya.

Hindi maiaalis, lalo sa mga kabataang gaya niya na laging nasa gimikan noon, tinatanong na ang tungkol sa kanyang virginity.

“Huwag na lang ‘yung ganyang mga tanong,” magiliw pero parang na-offend na tugon ni Jackie. “Kung pa-sexy ako, ‘yun na ang image ko, trabaho kasi ‘yun. Art naman ito. Hindi ‘yung nagpapababoy na lang ako.

“Hindi naman sa personal masyado ang tanong, pero uncomfortable lang akong sagutin. Napapangitan lang ako na mapag-usapan ang tungkol sa virginity ko.”

Lalo pa’t naging mainit din ang mga isyu ng pakikipag-relasyon niya noon kay Biboy Ramirez. Medyo naiilang din si Jackie ngayon dahil hayan at may bago siyang kapareha sa Panday Kids, ang napakaguwapong si JC de Vera.

“Inalagaan ako ni JC sa mga eksena namin,” nangingiting sabi pa niya. “Sobrang bait niya.”

At may kilig pa kay Jackie kapag tungkol sa kissing scenes nila sa Panday Kids ang pinag-uusapan. Wholesome ang bagong tele-fantasya ng GMA-7, pero naiiba ang electricity na nararamdaman sa eksenang ‘yun sa trailer involving JC and Jackie.

Calm Ever
Archie de Calma

loading...

One thought on “Jackie Rice, ilang pag-usapan ang virginity!

  1. tulad ng puna ko lately, yung slant ng press release o pag iingay ng panday kids ay hindi nakasentro sa pambata na mga bida at storya, kundi sa malisya at kaimoralan ng mga second bida na katulad nina jacky rice at jc.

    yung lips to lips, lasa ng labi ni jc ang napaguusapan hindi yung merito ng mga bata na kapupulutan ng magandang aral.

    sino ba naman ang tatanggi kung ipapakita ng gma yung kang kangan kung meron sina jacky rice at jc devera. kaya lang may mga bata kami na nanunuod sa mga pambatang telefantaserye. ihiwalay naman sana ng gma ang pambata at kababuyan serries.

Leave a Reply

Your email address will not be published.