Jackie Rice, gustong pumasok sa girlie bar

Jackie-RiceMULING BUMALIK ang kaseksihan ni Jackie Rice nang makita namin sa taping ng Bubble Gang na napapanood every Friday evening sa GMA 7. Seksi na uli ang mestisang actress na minsan ding nagpabaya sa katawan dahil sa pinagdaanan problema.

Naitsika ni Jackie na siya na ang pumalit sa role ni Charee Pineda sa indie film na Sitio Camcam na ididirek ni Joel Lamangan.

“Ako ang gaganap sa role ni Shane, ang pangatlong asawa. Medyo daring nga po ang character para sa akin bilang artista. Kailangan mo pa ring alamin kung ano ang limitasyon mo kung hanggang saan lang ang kaya mong gawin for the sake of art,” say ni Jackie.

Ayon pa kay Jackie, baka ito rin daw daring role ang dahilan kung bakit nag-back out si Charee. Pero nang mabasa raw niya (Jackie) ang role ay hindi na siya nagdalawang-isip para tanggapin.

“Bukod sa maganda ang istorya, siguro kasi gusto ko talaga na iba naman ang gagawin ko. I mean, gusto kong malaman kung hanggang saan talaga ang kaya ko bilang artista. Kinakabahan ako kasi si Direk Joel Lamangan. Kinakabahan ako kasi maganda ang role na medyo may pressure din. Pero kinakabahan ako na excited, mixed emotions,”say pa ni Jackie.

Ang unang preparasyon na dapat daw niyang gawin ay pumasok sa mga club na kung saan may mga babae na sumasayaw nang hubad.

“Sabi, pumasok daw ako sa mga club para mas mapag-aralan ko ang character na ipo-portray ko. Sabi ko nga baka susunod na tsismis sa akin ay tomboy na ako. Hahaha!” natatawang pagtatapos ni Jackie.

Ang tanong, maghubad din kaya si Jackie kapag sinabihan ni Direk Joel na kailangan maging makatotohanan ang gagawin niyang pagsasayaw sa isang club?

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.