Jackie Rice, binuburo ng Siyete

Jackie-RiceHALOS MAG-IISANG taon na palang walang teleserye ang mahusay na aktres na si Jackie Rice, after ng kanyang afternoon hit soap na Bukod kang Pinagpala.

At kahiit nga medyo natatagalang masundan ang kanyang natapos na soap, hindi raw nagawang magtampo ni Jackie sa GMA 7, dahil alam naman daw nito na ‘di siya pababayaan ng kanyang home studio lalo na’t nag-hit naman ang kanyang mga soap.

Tanging Bubble Gang lang daw ang show nito, dahil kung wala pa siyang Bubble Gang ay wala siyang pagkukunan ng pambayad ng mga gastusin sa kanyang bahay. Ang Bubble Gang nga raw ang itinuturing nitong saviour ngayong wala pa siyang regular soap.

Wish nga raw nito ngayong 2014 na mabigyan na siya muli ng GMA 7 ng bagong trabaho, para naman daw bukod sa Bubble Gang ay meron na siyang isa pang show. Hindi na nga raw ito umaasa na magbibida sa show, ang mahalaga raw sa kanya ngayon ay may trabaho siya.

 

PANIGURADONG MAPUPUNO na naman ng tawanan ang loob ng mga sinehan sa pagpapalabas ng romantic comedy movie na Bride For Rent ng isa sa pinakasikat na tambalan nina Kim Chiu at Xian Lim, na mapapanood na sa January 15 sa mga sinehan.

At kung pumalo nga sa box-office ang unang pelikula nina Kim at Xian, ang Bakit ‘Di ka Crush ng Crush Mo? na maituturing na isa sa blockbuster film noong nakaraang 2013, inaasahan naming papatok at tatabo sa takilya ang bagong pelikula ng dalawa.

Sa trailer pa nga lang nito ay talaga namaing hahagikgik ka na sa katatawa at kikiligin kina Xian at Kim. Bukod pa sa suportado ito ng libu-libong tagahanga ng dalawa, ‘di lang sa bansa, kundi maging sa buong mundo.

 

MULING PINAGKAGULUHAN ang isa sa pinakasikat na boyband sa bansa, ang UPGRADE na kinabibilangan nina KCEE Martinez, Rhem Enjavi, Ron Galang , Armond Bernas, Miggy San Pablo, Raymond Tay at Mark Baracael nang magbalik sila sa SM Marilao last Jan. 5, kasama ang FULL FORCE Dancers at 4G na kinabibilangan nina Merwyn Abel, Jasper Dela Cruz at Shaun Salvador.

Punung-puno at hindi mahulugang-karayom ang Entertainment Plaza ng SM Marilao sa dami ng taong nag-enjoy sa show ng UPGRADE. Bukod sa kanilang show ay binisita rin nila ang UNISILVERTIME at ROYQUEEN, kung saan sila ang isa sa mga image model ng nasabing brand ng relo at gadgets.

John’s Point
by John Fontanilla

loading...

One thought on “Jackie Rice, binuburo ng Siyete

Leave a Reply

Your email address will not be published.