Jackie Rice, balik-teleserye

MATAGAL DING naburo ang beauty ng isa sa may pinakamagandang mukha sa telebisyon at Kapuso star na si Jackie Rice. Pero ngayon daw, may bago na itong show sa GMA 7, kung saan makakasama nito sina Jennica Garcia, Camille Prats, Mona Louise Rey, Carl Guevarra, Jacky Woo at Mark Anthony Fernandez.

Tsika nga ni Jackie Rice, medyo matagal-tagal din siyang naghintay bago nabigyan muli ng proyekto. Pero okey lang naman daw, dahil at last ay binigyan din siya ng trabaho ng GMA 7.

“Medyo matagal-tagal din akong napahinga, ilang buwan ba? Hindi ko na mabilang. Pero okey lang, kasi nagbunga rin ang paghihintay ko. Hahaha! At least ngayon, may bago na naman akong show.

“Sa akin naman kasi, any shows okey lang. Ang mahalaga naman sa akin, may trabaho ako. Ayoko kasing nababakante, nakakainip.

“Mabuti na lang may Bubble Gang ako, kung hindi, nganga talaga, hahaha! Pero iba kasi ‘yung may soap ka, napapanood ka araw-araw ng supporters mo.”

Dagdag pa ni Jackie, kakaibang role naman daw ang gagampanan niya rito na ibang-iba sa mga nauna na niyang role na ginampanan.

 

AMONG SHOWS sa telebisyon ngayon, isa ang IJuander hosted by Cesar Apolinario at Susan Enriquez sa maituturing na trending show sa bansa at talaga namang kinagigiliwang panoorin ng mga Pinoy especially ng mga kabataan.

Almost everyday nga ay nagti-trending ito ‘di lang sa Pilipinas kung hindi maging worldwide. Kaya naman marami nga ang nagsasabing kinakabog nito ang karamihan sa show sa News TV 11 at maging sa GMA 7, dahil lagi itong nagti- trending.

Kaya naman daw every episode ng IJuander ay talaga namang mas pinapaganda ng mga taong bumubuo ng show na ito, pasasalamat na rin daw sa mga taong laging tumatangkilik ng kanilang show. Katulad ngayong Wednesday Feb. 06 , ibinalik ng IJuander ang isa sa tinaguriang Trending Sensation, Twitter Cuties at isa sa tinitiliang boyband sa bansa, ang UPGRADE na kinabibilangan nina Miggy, KCee, Ron, Rhem, Armond, Raymond at Mark na one of the most requested na gusto nilang mapanood sa show, ito’y sa segment na sino ang mas in sa Online Internet: Mga Girl Group or Boy Group Ba? Kaya tutok na ngayong Wed., 8 p.m. sa NewsTV 11.

 

BONGGA ANG ma-galing na actor na si Jericho Rosales, dahil among actors sa bansa ay siya ang napupusuang maging leading man ng Miss Universe 1st Runner-Up na si Janine Tugonon ‘pag pinasok niya ang pag-aartista pagkatapos ng kanyang reign.

Aminado si Janine na hindi siya marunong umarte, pero willing daw itong matuto at mag-undergo ng acting workshop. Kuwento nga nito na bata pa siya, tagahanga na siya ni Jericho. Halos lahat daw ng pelikula nito ay pinanood niya, lalo pa kung ang kapareha nito ay si Kristine Hermosa.

Para kay Janine, bukod sa looks ni Jericho, isa raw ito sa masasabi niyang magaling na artista when it comes to acting, kaya naman daw excited na siyang makatrabaho ang award-winning actor sa mga susunod na teleserye ng ABS-CBN, if matutuloy siyang mag-artista.

 

John’s Point
by John Fontanilla

loading...

One thought on “Jackie Rice, balik-teleserye

Leave a Reply

Your email address will not be published.