Jacket, Kapalit ng Puri

KATARUNGAN ANG sigaw ng isang 18-anyos na dalaga matapos itong gahasain ng kanyang dating kasintahan sa lungsod na ito San Jose del Monte City, Bulacan.

Sa ulat na nakarating sa tanggapan ni PNP Provincial Director P/Sr. Supt. Joel Orduna, itinagoi ang biktimang sa pangalang Joan, estudyante, dalaga, at nakatira sa Block 5, Gumaoc Central, SJDM City.

Base sa inisyal na imbestigasyon, bandang alas-9:30 ng gabi nang pagsamantalahan ang biktima ng dating katipan na si Archie Ciervo, 21 anyos, walang trabaho. at residente ng Block 6, Lot 26 Phase E-1, Francisco Homes, Barangay Mulawin.

Sa inisyal na ulat na isinumite ni Supt Joel Estaris, hepe ng pulis ng SJDM City, pumunta umano ang biktima sa bahay ng kanyang dating boyfiend para kunin ang naiwan nitong jacket.

Nang nasa loob na ng bahay ang biktima, sapilitan itong ginahasa ng supek na agad namang naaresto ng pulis matapos mag-sagawa ng follow-up operation.

(TONY DELA PEÑA)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.