Iza Calzado, wala pa ring kaibigan sa Dos!

MATAGAL MANG ‘di napanood sa isang serye si Iza Calzado, kung saan siya inaabangan ng mga tagahanga niya, ipinaliwanag naman sa amin ng aktres sa nakaraang press launch ng isang clothing brand, na blessing in disguise na medyo nakapagpahinga siya dahil bukod sa nagkasakit at namatay ang ama ay in-enjoy niya muna ang pagbabakasyon. Ngayon nga ay pinaghahandaan ni Iza ang pagbabalik-telebisyon niya via Kahit Puso’y Masugatan, kung saan makakasama niya sina Gabby Concepcion, Andi Eigenmann at Jake Cuenca sa direksyon ni Wenn Deramas at sa linggong ito ay magsisimula na silang mag-taping.

Hanggang sa ngayon, nag-a-adjust pa rin sa ABS-CBN, kung saan natatawang nagkuwento sa amin si Iza na minsan ay naliligaw pa rin siya sa ELJ Bldg. ng Kapamilya Network. Nang tanungin naman namin kung nagkaroon na ba siya ng close friends sa ABS, inamin naman sa amin ng aktres na wala sa personalidad niya ang mag-aya ng ibang tao para lumabas, puwera na lang sa mga occasional dinner na kinakailangan.

Sa ngayon nga ay ‘di masyadong nakakasama si Karylle na isa sa pinakamalapit niyang kaibigan sa showbizness, positibo si Iza na ngayong magsisimula na ang seryeng Kahit Puso’y Masugatan ay sigurado siya na magkakaroon siya ng mga bagong kaibigan dito.

Nang tanungin namin kung kumusta na ba ang kanyang lovelife at kung may panahon ba siya rito pagkatapos ng break-up nila ng ilang taong non-showbiz boyfriend, ayon kay Iza ay lagi siyang may oras sa kanyang lovelife. Hanggang sa ngayon ay exclusively dating pa rin ang status ni Iza  at hindi pa rin nire-reveal ng aktres ang identity nito.

 

SA NAKARAANG presscon ng Born To Love You na pinagbibidahan nina Angeline Quinto at Coco Martin under Star Cinema at Cinemedia at ipalalabas sa May 30, buo ang suporta na ibinigay ng aktor kay Angeline kahit sa puntong halos mamanhid na ang mukha niya dahil sa paulit-ulit na pagsampal sa kanya ng singer/actress para sa kanilang confrontational scene.

Bukas man sa pagsasabi na wala siyang panahon sa ngayon sa kanyang lovelife, nagsalita naman si Coco na sana kahit tapos na ang pelikula nila ni Angeline ay tuloy pa rin ang kanilang closeness at magkasama pa rin sila sa maraming pelikula.

Magaan ang loob kay Angeline, kung saan nagustuhan ang pagiging makulit, pala-kuwento, pala-simba at ang pagiging pareho nilang jologs kung saan bukas na aklat naman na pareho silang laki sa hirap, ang maganda sa dalawa, hindi man mauwi ito sa isang espesyal na relasyon ay nakatagpo sila ng totoong kaibigan sa isa’t isa.

ISA ANG relasyong Suzi Entrata-Abrera at Paolo Abrera ang matatag na samahan sa showbizness. Sa loob ng labing isang taon na nilang pagsasama ng asawa at tatlong anak na babae , masaya at kuntento sa buhay may-pamilya ang TV host.  Sa nakaraang presscon ng isang specialty fried mix, kung saan nagsilbing host si Suzi, inamin nito na ang kani-lang mga anak ang nagsisilbing bigkis para lalong tumibay ang pagsasama nilang mag-asawa at ang kumpletong tiwala niya kay Paolo. Nagkakilala at nagkasama sa Game Plan at dito na na-deve-lop at nauwi sa isang malalim na relasyon at pagpapakasal, wala ring lugar sa pagsasama nila Suzi at Paolo ang competition at professional jealousy na minsan ay nagiging problema ng mag-asawa na nasa parehong field.

Maiba Lang
By MELBA R. LLANERA

MelbaLlanera

About the Author

has written 280 stories on this site.

loading...

10 thoughts on “Iza Calzado, wala pa ring kaibigan sa Dos!

  1. HINDI NA KAILANGAN NI IZA NG KAIBIGAN SA ABS DAHIL PURO BAKLENG AT TOMBOYITA ANG NAKIKITA NIYA. MAHIRAP NA BAKA MATIPUHAN PA SIYA NI TOMBOYITANG MALOU AT GAWING LOVER HAHAHA.

  2. Pingback: Iza Calzado, wala pa ring kaibigan sa Dos! | Celebrity Philippines

  3. OA lang ng title ng article ! well to Iza ..ganyan talaga gurl bago ka lng pero mabait ka naman kaya dadami pa friends mo …sa GMA nga lahat kaibigan mo kahit yung plangkera ..napakisamahan mo ….GodBless at aabangan ko ang serye mo ….napakagaling mo sa maalala mo kaya episode mo pinaluha mo nanay ko 

  4. ang ganda niay sobra nakita ko yan sa Makati isang araw,naglalakad kasama isang friend niya …napaka humble lang ng aura niay simpleng jeans at t-shirt then naka rubber shoes lang pero ang ganda! lakas maka dyosa …at pag may tumatawag sa kanya …nagsmile naman siya at nag wawave back …di siya suplada …pero mahiyaan nga siya naka yuko nga siya habang naglalakad 

  5. mga kaibigan agad?!!! siyempre iza is testing the waters muna choss! mabait naman yan si Iza at may pagkamahiyain yan eh ..pero di magtatagal dadami kaibagan niya sa dos ! actually .si Karylle ,KC, IYA ,Gary V. ,Martin, Christain Baustista ang alam ko sa mga kaibigan talaga ni iza sa Dos noon pa … si Maja at Iza tumatakbo yan ng Sabay sa ultra lately eh … mabait yan ganda pa! more power iza!

Leave a Reply

Your email address will not be published.