Iza Calzado, type ni Akihiro Sato!

KURYENTE ANG BALITANG buntis si Regine Velasquez. Maging ang songbird mismo ang nagulat na natsismis siyang buntis dahil malayung-malayo naman ito sa katotohanan. Hindi nga naman siya nagdadalang-tao tapos masusulat siyang preggy, ano ba ‘yon? Ayon sa mga nagsulat, tiyak na tiyak na buntis nga ang dyowa ni Ogie Alcasid. Ha-Ha-Ha!

Actually, may nagsabi sa aming mahihirapan daw na magbuntis si Regine. Parang may konting diperensiya ito sa kanyang matris, kaya hindi ito kaagad-agad na magbubuntis. Ito raw ang sinabi ng singer sa ilan niyang mga kaibigan kaya naman manghang-mangha siya nang masulat siyang nasa interesting stage.

KINUHANG MODELO SI Akihiro Sato ni Dra. Vicki Belo. With this, natanong ang aktor kung posibleng magkagusto siya sa katulad ni Vicki na medyo may edad na.

Game naman sa pagsagot si Akihiro. Sinabi nitong hindi naman issue sa kanya ang age.

“I don’t care about age, heart is more important. When you feel it siyempre, it doesn’t matter if she’s old,” sabi ni Aki sa amin nang ma-interview namin siya kasama ang iba pa niyang kapwa model na sina Daniel Matsunaga at Fabio Ibe na pawang half-Bazilian, half-Japanese.

Pero hindi nakikita ni Akihiro na mali-link siya kay Dra. Vicki Belo.

“I think not, we cannot because she’s already taken. I’m not here to be part of her life. I’m here for work. I don’t need money. I’m here for work,” sabi ng hunk model.

Happy ang binata sa itinatakbo ng kanyang acting career. Ngayon ay kasama siya sa Panday Kids at medyo nagulat lang siya nang kissing scene kaagad ang kinunan sa first day taping niya. Kaeksena niya si Jolina Magdangal.

Second kissing scene na ito ni Aki, ang first time ay sa kanilang dalawa ni Rufa Mae Quinto sa isang show rin sa GMA-7.

Playing safe ang binata nang tanungin kung sino ang mas malambot ang labi between Rufa Mae and Jolina. Aniya, “pareho”.

Ang aminado si Akihiro ay ang paghanga niya kay Iza Calzado. “I like her. I’ve met her sa GMA-7. She’s really nice and friendly, sobrang bait. I hope I can work with Iza,” say ng binata.

Masyadong feeling daw itong si Cesca Litton.

According to our source, umeksena raw ito sa contract signing ni Angel Locsin. Inilagay kasi ito sa hotseat ng interactive writer ng Dos. Ayun, pinasagot ang hitad sa mga questions tungkol kay Jericho Rosales.

Ang Cesca naman, pa-demure sa kanyang mga sagot na para bang sixteen years old.

“Ano po ‘yon? Hindi po! Wala po akong alam!” ‘Yan daw ang mga sagot ng feeling bagets na si Cesca sa mga tanong kung may relasyon sila ni Echo.

Marami raw napaplastikan dito kay Cesca. ‘Pag maraming tao, ibebeso-beso ka niya. Pero ‘pag kayo-kayo na lang, dedeadmahin ka niya. Masyado na raw feeling star itong TV reporter ng Dos.

Nagde-deny itong si Cesca, eh, madalas naman siyang makitang karay-karay si Echo sa mga lakaran. Helllloo!
Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

loading...

One thought on “Iza Calzado, type ni Akihiro Sato!

Leave a Reply

Your email address will not be published.