Iza Calzado, tuluyan nang lalayasan ang siyete?!

MATAGAL NA RING pinag-uusapan sa showbizlandia ang plano diumano ni Iza Calzado na lumipat sa ibang istasyon. Matatandaan na hindi ikinaila ng kampo ng aktres na bukas ito sa posibilidad na lumipat sa ibang network. Naging matamlay ang takbo ng karera ng aktres early last year at naging maingay muli ang pangalan nito nang ibigay sa kanya ang title role sa primetime series na Beauty Queen. Nagkaroon pa ito ng talk show sa QTV at naging regular dabarkads sa Eat… Bulaga!. Siya rin ang humalili sa papel na iniwan ni Regine Velasquez bilang babaeng bakla sa I Heart You Pare at ngayo’y namamayagpag siya bilang comedy actress bilang misis ni Cesar Montano sa Andres de Saya. Walang ginagawang teleserye sa Kapuso Network si Iza ngayon kaya muli na namang lumilitaw ang tsikang pag-o-ober da bakod niya. Ang tsika pa nga, todo raw ang panliligaw ngayon sa kanya ng Kapatid Network para ito’y tuluyan nang pumirma sa kanila. Bibigay na ba si Iza sa galanteng offer ng ibang networks, o muli na naman ba nitong paiiralin ang loyalty sa kinalakhang istasyon? Isip-isip muna, ateng!

 

PAULO AVELINO, CERTIFIED KAPAMILYA NA!

MATAGAL-TAGAL MAN SIYANG nag-isip at naglakbay, sa pagiging isang certified Kapamilya pa rin ang tuloy ng Starstruck IV finalist turned hunk actor na si Paulo Avelino. Pumirma na ng two-year contract ang aktor sa ABS-CBN at bakas sa mala-anghel na mukha nito ang kagalakan na sa wakas ay nakapirma na ito sa bago niyang tahanan.

Matatandaang sinubukan ding pigilan ng GMA-7 ang paglipat nang tuluyan ni Paulo sa Dos at gusto pa nga nila na ito ang maging leading man nina Carla Abellana at Michelle Madrigal sa isang teleserye. Mukhang mas pinakinggan ng kampo ni Paulo ang request ng mga fans na lumipat na lamang ito.

Ayon mismo kay Paulo, gusto na nitong makatrabaho sina Coco Martin at Kim Chiu sa isang proyekto. Hindi na lihim sa lahat na isang unwed father na si Paulo Avelino at kasalukuyang nagli-live in sila ng Kapuso actress na si LJ Reyes. Huling napanood si Paulo Avelino sa indie film na Ang Sayaw ng Dalawang Kaliwang Paa. Good move, Pau!

 

EUGENE DOMINGO AT TONI GONZAGA, PATALBUGAN  SA BAGONG PELIKULA!

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON ay magsasama sa big screen ang dalawa sa sought-after comedy leading ladies na sina Eugene Domingo at Toni Gonzaga. Ito ay para sa pelikulang ‘Wedding Tayo, Wedding Hindi’, na co-venture ng Star Cinema at Octo Arts Films. Marami ang nag-aabang sa nasabing pelikula dahil hindi naman talaga matatawaran ang ga-ling ng dalawa sa pagpapatawa. Kasali rin sa nasabing pelikula sina Zanjoe Marudo at Wendell Ramos bilang leading men.
Show Twitz
Pinoy Parazzi News Service

loading...

12 thoughts on “Iza Calzado, tuluyan nang lalayasan ang siyete?!

  1. Dapat ding ma-realize ng mga artista/managers na may hangganan ang kasikatang pwede makuha ng isang artista.  Kumbaga, meron talagang pang big star at merong pang so-so lang.  Though dami ring projects ni Iza at hit naman pero wala pa rin sya sa level ni, let’s say, ni Mariane Rivera.  Classic example ang nangyari ki Angelika de la Cruz. From ABS to GMA to ABS and GMA again pero wala ding nangyari. Just means na kahit anong station at kahit anong pagbi-build up ang gawin, wala ding mangyayari kung hanggang dun lang ang pwedeng marating ng isang artista. Swerte na lang yung tulad ni TOni Gonzaga na nag-shine talaga nang lumipat sya sa ABS. I doubt kung magiging “Big Star” talaga si Iza sa TV5. Ang pwede lang nyang makuha sa paglipat ay mas malaking talent fee.

  2. 3 years ung pinirmahan na contract ni Paulo.. sana si Miss Iza mag Abs-Cbn na din para naman magkaroon ng awards for drama.. sayang lang kase ung talent niya sa GMA kung di naman napapansin mashado… 

    un lang po..

  3. hinde naman pera ni manny pangilinan ang ginagastos nya malaysian firm ang may hawak dyan kay MVP sya lang ang front kasi filipino bawal foreigner.

  4. ang gusto lang naman ni MVP ay tumikim ng mga showbiz boys, nasawa na sa kakakain ng mga poging linemen at cute na mga office staff ng PLDT at Smart, kesahodang mag break-even lang o malugi ang TV5.

  5. Masyadong pagtatapon ang ginagawa ng tv5 sa maliit na budget ni Manny. Hindi pa man masyadong tumatagal ang tv5 pero Kuha ng kuha ng mga artistang triple -triple sa taas na ino-offer na talent fee pero MAHINA NAMAN SA COMMERCIAL LOADS. Tingin ko mas malaki ang nalulugi ng TV5 lalo nat mahina rin sila sa labanan ng tv ratings. Kagaya na lang ng talent fee na binigay ke aga na sabihin nating 40 million at ke nora naman na 1 million per day tsk…tsk… baka 5 years after that baon -baon na sa utang yang tv5 kagaya ng pagkakabaon sa utang ng ABS-CBN.

  6. naku naghihitay si mama piola,sam, executives such as deo, suldaito, director wen, mama ng mga staff at crew. ingat lang baka mafrozen delight ka.

  7. maganda ang paglipat ni paulo sa abs-cbn para mahasa sya sa acting. sayang naman kung may talent sya at hindi nabibigyan ng break. sa dos, magkakaroon sya ng chance na magkaroon ng projects na masasabi mong may quality kahit hindi sya ang main actor, anuman ang role nya for sure it will leave a mark sa audience. good luck.

  8. dapat lang iza sa kapatid network ka kung sa abs ka naman lilipat isang araw ka lang sikat tapos wla na,kuha mo!!!

Leave a Reply

Your email address will not be published.