Iza Calzado, takot na takot ma-parazzi!

HANGGANG NGAYON MAINIT pa ring pinag-uusapan ang breast exposure nina Anne Curtis at Karylle na unang lumabas dito sa Pinoy Parazzi, bago nai-download ng mga nakasaksi ang photos and video ng dalawa dahil sa wardrobe malfunction sa dance number nila sa ASAP XV sa Boracay. Pinagpiyestahan ng mga kalalakihang hayok sa laman ang kanilang mga larawan.

Naging sentro ng usapan namin ni Iza Calzado ang insidenteng ‘yun kina Anne at Karylle sa 75th birthday party ni Mely Tagasa (Ms. Tapia) sa Celebrity Plaza.

“Na-shock ako nang makita ko ‘yung mga photos nina Anne at Karylle. “I feel sad sa nangyari, kasi best friend ko si Karylle, kaya agad ko siyang tinawagan para bigyan ng moral support as a friend. That time hindi siya aware sa nangyayari sa paligid niya, hindi niya alam na lumitaw ‘yung right breast niya. Buti na lang may plastic tapes ang nipples niya nu’ng makunan siya,” say ni Iza.

Tinanong ni Iza kung photographer ng Pinoy Parazzi ang kumuha ng pictures ni Karylle. Sabi namin, ibinenta lang ang mga larawan ‘yun kay Raimund Agapito (publisher). Bumibili talaga kami ng controversial photos.

Hindi naman itinanggi ni Karylle na siya nga ‘yung nasa larawan, ayon kay Iza. Sa pangyayaring ‘yun kina Anne at Karylle, naging aware na nga raw ang mga artista sa kanilang mga kasuotan, mapa-gown man ito or summer outfit, wiz nila type na ma-parazzi.

“Kahit ako nga ngayon, kapag naka-gown or sexy dress kailangan maglagay ako ng plaster sa nipples for protection. Sobrang aware ako ngayon sa damit na isusuot ko kapag lumalabas, kailangan ding maging aware ka sa mga events na dinadaluhan mo. You’ll never know what will happen, baka nasa paligid mo lang ang Parazzi photographer, ‘di ba? Thank God, hindi pa nangyayari sa aking makunan ako ng hindi kanais-nais… huwag naman sana! Hindi ko ma-imagine kung sa akin nangyari ‘yun, it’s a nightmare!” Pahayag ni Iza, na always, beautiful sa paningin namin.

Speaking of Ms. Tapia, na-surprise ang birthday celebrator sa pagdating ni Iza. Naging voice coach ng dalaga ang veteran actress sa mga Koreanovela ng GMA-7. Nanay na kung ituring ni Iza ang Mother Dear ni Gina Tagasa na siyang naging punong-abala para maging successful ang nasabing event.

AGAW-EKSENA SI JOLO Ejercito (anak nina Precy at Jinggoy Estrada) sa get together party na handog ni Mother Lily Monteverde. Tipong artistahin kasi ang binatilyo kaya naging interesado ang media people na makausap ito.

Nagpaunlak naman si Jolo na magpa-interview. Pag-aartista o pagiging pulitiko ang una niyang pipiliin? “Hindi ko po alam sa ngayon kung ano ang gusto ko. Kailangan muna pong magtapos ako ng pag-aaral bago ko isipin ang mga bagay na ‘yan. Naipangako ko po kasi kay Daddy na magtatapos muna ako bago ko isipin kung ano talaga ang gusto kong gawin,” turan ni Jolo.

Sa pakikipag-tsikahan namin kay Jolo, mas terror pala si Mommy Precy kaysa sa Daddy niya. “Si Mommy may pagkaistrikto pero nasa lugar naman po. Ang pagdi-discipline niya para sa ikabubuti rin po namin. Si Daddy naman po, hindi marunong magalit… always cool and relax kapag magkakasama kaming pamilya. Mas spoiled kami kay Daddy kaysa kay Mommy in some way, depende po ‘yun sa mood niya,” wika ni Jolo.

Inamin ni Jolo na crush niya ang younger sister ni Anne Curtis. Nakarating ang balitang ito kay Anne, ‘I’m so flattered na crush niya ang younger sister ko,” say niya. Hoping si Jolo na balang-araw, makilala niya nang personal ang kanyang dream girl.

Balitang dibdiban ang panunuyo ni Aaron Villaflor sa utol ni Anne. ‘Pag nagkataon, magiging magkaribal sila ni Jolo. Sino kaya sa kanilang dalawa ang magiging matimbang kay Anne para sa kanyang pretty sister?

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

loading...

6 thoughts on “Iza Calzado, takot na takot ma-parazzi!

  1. If the Filipino People just looked strictly on Resumes and Accomplishments… Sen. Gordon would WIN Unanimously!

    So what is the problem? Do Pinoys/Pinays dont know how to read? Are they too lazy to do research? Are they so foolish to just listed to what is fed to them through the Media?

    Is popularity, money and a known last name more Important than having a Proven Track Record for Change? It is quite scary that this is even a debate.

    I really hope ALL Filipinos around the World wake up!

  2. LIKE MOTHER CORY – LIKE SON NOYNOY ABNOY
    PART 11: ANG KATAKSILAN NG MAG-INA

    KATAKSILAN NG NANAY NA SI SANTA CORY
    —–Noong 1985 SA Araneta Coliseum enendorso ni Cory si Salvador Laurel para kandidato pagka pangulo. Pagkalipas ng limag buwan biglang sinabi na siya na ang kakandidato. Hinimok niya si Salvador Laurel na maging bise presidente. Kahit ayaw ni Laurel dahil mayroon siyang sariling ambisyon na maging presidente ay pumayag narin dahil sa isang kasunduan na gagawin siyang prime minister dahil wala ngang karanasan si santa cory kaya bale si Laurel ang mamamahala bilang prime minister. Kaya pumayag si Laurel. Lahat ng mga resources niya, paghahanda, pera, tao o partido, atbp… ay sinuporta niya kay santa cory. Naging president si santa cory. Tinupad naman niya nag kasunduan nila ni Laurel. Sa pamamagitan ng Presidential Order No. 1 ay naging prime minister si Doy Laurel noong Feb. 25, 1986. ETO ANG KATAKSILAN NI SANTA CORY. Pagkalipas lang ng isang buwan noong Marso 25, 1986 sa pamamagitan din ng Presidential Order No. 1 ay pinawalang bisa nya ang Batasan kasama na ang pagka wala ng posisyon ng prime minister doon.In other words binawian si Doy Laurel. Pinagbigyan naman niya si Doy Laurel ng isang buwan tapos tinaga sa likod. Nakuha na nya ang gusto niya , diba? SOBRANG KATAKSILAN.

    KATAKSILAN NG ANAK NA SI NOYNOY ABNOY
    ——-Kahapon yata ay nakita ko yung ad ni Binay na nandoon si santa cory at enendorso ni Chiz escudero si Noynoy Abnoy para presidente at El Rambotito de Makati na si nognog Binay para bise presidente. Sabi ko na nga ba mangyayari ito na tatraydurin ni Noynoy Abnoy si Mr. Palengke Mar Roxas. Nakumbinsi na nga itong mahinang tuhod na si Mar para ibigay ang kandidatura pagka pangulo kay Noynoy ABnoy, ngayon any minamaniobra na ang vice presidency para kay nognog Binay. Si nognog Binay kasi utot yan ni santa cory. Walang pinagkaiba itong si Noynoy Abnoy sa nanay nyang si santa cory. Meron pala, At least yung nanay niya hinintay munang manalo siya at pinagbigyan si Doy Laurel ng isang buwan. Eh itong si Noynoy Abnoy palibhasa may topak, hindi pa nga natatapos ang election pinagtataksilan na si Mr. Palengke.

    TALAGANG LIKE MOTHER LIKE SON … PAREHONG TAKSIL
    NOYNOY ABNOY YOU ARE TRULY YOUR MOTHER’S SON… A TURNCOAT.

  3. bakit kaya hindi na pi- nost ng mgas alipores ni evil-liar ang pinakalat na naman nila na pekeng phsychiatric report sa mga himpilin ng talebisyon..?? nagpatawag pa ng press conference sablay din lang naman pala ang sasabihin…. wala lang kayong makitang putik na pwede nyo ibato kay noynoy kaya gumagawa na lang kayo ng kasinungalingan para siraan sya….too bad sablay…. napahiya na naman kayo….

    • ako sa palagay ko may ilan siguro sa report na yun ang medyo may katotohanan umusok eh, san nga ba manggagaling yun, pwede rin namang sa sa kanila mismo lumabas ang psychiatric report para magkaruon ng sympathy na sinisiraan sila AT kung talagang paninira lang ang hatid..pero kay noynoy lang lagi umuusok ang isyu na yun eh… bakit hindi nyo kausapin laht ng mga naging classmate ni noynoy para sila din magpahayag na walang katotohanan lahat yun… maaari ngang questionable ang nakalagay sa report na lumabas, dahil unang una bawal ipalabas ang isang psychiatric report because it has to be treated with utmost confidentiality, … kaya ang tanong eh bakit may kumukwestyon sa kakayahan ng isip ni noynoy..?kung grabe ang dating ng mga lumalabas na report posible namang mild lang ang nakalagay sa tunay na report d ba..

Leave a Reply

Your email address will not be published.