Iza Calzado, sumabak na sa paseksihan

MARAMING NA-SHOCK sa ginawang sexy pictorial ni Iza Calzado sa bago niyang teleseryeng Beauty Queen ng GMA-7 na hataw sa taas ng rating sa unang linggo nito sa ere. Gumawa ito ng ingay, pinag-usapan at nakatawag-pansin sa publiko ang pagiging daring ng dalaga. First time kasi natin siyang mapapanood na magsusuot ng two-piece bathing suit on television. Sa pictorial ng nasabing soap, asiwa raw ang dalaga sa pagsusuot ng bikini. Photographer at make-up artist lang daw ang naiwan sa loob ng studio.

Malaking factor nga ba si Joel Lamangan kung bakit tinanggap ni Iza ang project? “That’s true, tinawagan ako ni Direk Joel at sinabi nga niyang may project kami together. Na-in love ako sa story kaya nang kinausap ako ng GMA-7, tinanggap ko agad ang offer to do this teleserye. Sinabi nila sa akin sa story conference na kailangan kong magsuot ng bathing suit dahil kailangan sa istorya. Malaki ang respeto ko kay Direk Joel as a director, may chemistry kaming dalawa kaya click kami as a team. Relax na akong katrabaho siya. Marami na kaming nagawang pelikula kaya gamay na namin ang isa’t isa,” sey ni Iza na happy sa kanyang cereer at lovelife.

Nang maglabasan sa mga tabloid at billboard ang alluring pictorial ni Iza, ikinagulat ng lahat, lalo na ng kalalakihan. Hindi mo akalaing ganito ka-sensual ang dalagang anak ni Lito Calzado. Bukod sa beauty and brain, may X-factor pa si Iza na wala sa ibang artista. Kahit saang anggulo mo tingnan, pang- beauty queen talaga ang dating niya.

Sa totoo lang, hindi pinangarap ni Iza na maging beauty queen. Tinanggap lang niya ang project dahil challenging ang role na kanyang gagampanan bilang anak ni Elizabeth Oropesa na nangarap maging beauty queen para sa ikaliligaya ng kanyang ina.

Hindi nga raw ma-imagine ni Iza na magsusuot siya ng two-piece, ginawa lang nito ito for the role at kay Direk Joel. At saka, gusto rin niyang ipakita sa manonood ang pinaghirapan sa pagwo-workout para maging slim. Hindi siya nagpatalbog sa kaseksihan nina Katrina Halili at Maggie Wilson. “Alam naman natin kung gaano sila kaseksi. Please lang , huwag kaming intrigahin, we’re friends,”pakiusap niya.

Ayon kay Iza, very proud ang boyfriend nang makita nito ang billborad niya sa Edsa. Hindi kasi seloso at possesive ang dyowa kaya all support ito. Nauunawaan nito ang propesyong kanyang ginagalawan. Buong ningning na ipinagmalaki pa ng actress ang na-achieve niya sa kanyang pagpapapayat. Dati raw umabot na ng more than 200 lbs ang bigat ng dalaga. Now she lost 90 lbs na nag-down sa 125 lbs. Ito raw ang ideal weight na kailangan niyang i-maintain.

Labis na ikinatutuwa ni Iza ang magandang resulta ng kanyang paghihirap for the last 2 years. Tuluy-tuloy ang pagwo-workout and pagtakbo every other day. Nilinaw rin ng dalagang hindi niya ito ginagawa in preperation for the role. Nagkataon lang ‘yun, ginawa niya ito for her health and well-being.

Kapansin-pansin din ang nagmumurang dibdib ni Iza sa kanyang alluring pictorial na any moment ay baka mag-hello! Inamin ng magaling na aktres na may secret technique na ginamit sa kanyang boobs kaya naging malaki ito sa paningin natin. Kung tutuusin nga raw medyo kulang siya sa bumpers…

Hindi kaya nagpa-breast enhancement si Iza? “Hindi ko kailangan ‘yun, happy na ako sa kung ano ang nasa katawan ko ngayon and I’m physically fit! Sayang naman ang hirap at pagod na ginawa ko tapos mauuwi lang sa breast enhancement. Natural lahat ang nakikita ninyo sa akin. Walang ginalaw kahit ano sa parte ng katawan ko.Gusto ko lang naman maging fitness buff. Ang sarap ng feeling kapag physically fit ka, nakagagalaw ka nang maayos. At saka, kahit anong damit ang gusto mong isuot, nabibigyan mo ng satisfaction ang sarili mo kasi nga slim ka.”

Binanggit din ni Iza na idol niya si Dyan Castillejo ng Sports Unlimited. “Ang galing niya, kahit anong sports tina-try niya. “Gusto kong magkaroon ng firm muscles sa katawan tulad ng sa kanya,” aniya.

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

Related Post

loading...

8 thoughts on “Iza Calzado, sumabak na sa paseksihan

  1. may age limit ang sumasali sa mga beauty pageants. sa edad ni iza, disqualified na yan sa totoong contest. overage na kumbaga. samahan pa ng isang pornstar na si katrina halili. at basagulerang si maggie wilson.

  2. hay nako, wlang originality itong beauty queen, hahahhahah..kakahiya kayo… magkaribal bah ang dating..pity for u girls…waley kau sa magkaribal….mga ambisyosa kau…

  3. HOY! bakit nyo isinali ang Kristine sa Poll nyo? e ang ganda ganda ng kristine! kakaiba! kung sino mang nagsali, TANGA! mas maraming pangit na show ang dapat tanggalin lalo na sa gma7 kesa sa kristine!!!

  4. @kulitkulit her height 5’7
    soooo ganda ng beauty queen….ganda ng story galing ni direck joel L. at c iza so galing natural ang arte di pilit..just so love it.i’m so hooked sa beauty queen for short! keep it up!

Leave a Reply

Your email address will not be published.