Iza Calzado, successful sa career, successful sa lovelife

MAGANDA ANG taong 2012 para kay Iza Calzado. From product endorsements to television and movie projects, kabilang na ang kanyang top-rating teleserye na Kahit Puso’y Masugatan where she plays Andrea San Jose, walang dudang isa sa pinakamatagumpay na aktres ngayon si Iza.

Maliban dito, kinilala rin ang kanyang husay sa pag-arte tulad sa nakaraang Cinemalaya Filmfest where she won under the Director’s Showcase Category the Best Actress and Best Supporting Actress awards together with Judy Ann Santos, Janice de Belen and Agot Isidro (ensemble) for their movie Mga Mumunting Lihim.

Bukod sa kanyang umaarangkadang showbiz career, masaya rin ngayon si Iza dahil sa pagdating ng isang bagong inspirasyon sa kanyang buhay. She is in a romantic relationship with Ben Wintle, a Filipino-British entrepreneur and sportsman. They first met at a friend’s party. Magmula noon ay naging malapit na sila sa isa’t isa hanggang sa madalas na silang nagde-date.

Kuwento ni Ben, “I found her interesting. We have a lot of things in common from the start. I like that she’s into health and fitness, so am I. We work out a lot. We travel. We love eating together. If I could give her a really special gift, it would be more time, to get more sleep, to do all the exercises she wants to do.”

Iza recently celebrated her birthday pero hindi raw siya nag-celebrate dahil mas pinili niyang tumulong sa mga naging biktima ng baha. Ganu’n pa man, hindi siyempre pinalagpas ni Ben ang kaarawan ng espesyal na babae sa kanyang buhay.

Ben has three wishes for Iza. “I hope that your passion continues to lead you to more fresh and challenging projects. I hope that work doesn’t keep you up so late at night because I want you to stay healthy and be around for another 30 years. [I hope] that she’s going to enjoy the dinner that I’m cooking for her tonight.”

With a successful career and a boyfriend as thoughtful and loving like Ben, ano pa ba ang hihilingin ni Iza?

 

Kaibigan, usap tayo muli!

Points of Boy
by Boy Abunda

loading...

2 thoughts on “Iza Calzado, successful sa career, successful sa lovelife

Leave a Reply

Your email address will not be published.