Iza Calzado, replacement queen!

TULUYAN NANG LALAYASAN ng Kapuso actress na si Rhian Ramos ang kanyang daily showbiz-oriented talk show na In The Limelight.

Ayon sa aming source, pinili diumano ng aktres na bitawan ang programa dahil magiging busy na ito sa kanyang bagong primetime series na Sundo. Ito ang magsisilbing pagbabalik-tambalan nila ng Stairway to Heaven leading man niya na si Dingdong Dantes.

Ang balita ay si Iza Calzado ang napipisil ng management na ipalit sa kanya. Ang In The Limelight ay pinangungunahan din nina Nelson Canlas at Aubrey Carampel. Huling napanood si Rhian Ramos sa fantaseryeng Ilumina, kung saan bida sila nina Aljur Abrenica at Jackie Rice. Si Iza Calzado naman ang pumalit kay Regine Velasquez nang mabuntis ito sa I Heart You Pare.

Replacement Queen ba itong si Mareng Iza? Hmmm…

 

Bianca Manalo, inamin na ang relasyon kay John Prats!

ALL OUT NA ang beauty queen-turned-performer na si Bianca Manalo sa pag-amin na ‘exclusively dating’ na sila ng Happy, Yipee, Yehey co-host nitong si John Prats.

Matatandaang kinalasan ni Rachelle Ann Go si John ilang buwan na ang nakararaan dahil sa hindi maibunyag na dahilan. Walang nagsasalita sa dalawang kampo, ngunit marami ang nagtuturo kay Bianca Manalo bilang bagong inspirasyon ni John.

Noong una’y todo-deny pa ang dalawa at pampakilig lang diumano sa programa ang kanilang loveteam. Kamakailan lang ay inamin na nang tuluyan ni Bianca ang tunay na estado ng kanilang relasyon ni Pratty. Sa katunayan nga, marami na ang nakakapansin sa extra sweetness nila off-cam.

Aba, height doesn’t matter nga naman talaga sa pag-ibig, huh?!
Show Twitz
Pinoy Parazzi News Service

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.