Iza Calzado, pinagnasaan din si Piolo Pascual

Piolo-Pascual-Toni-Gonzaga Iza-CalzadoHINDI NAITAGO ni Iza Calzado ang kilig factor nang makatrabaho sina Piolo Pascual at Toni Gonzaga.

Sabi ni Iza, long-time crush niya raw si Piolo kaya parang dream come true raw talaga na makasama niya ang actor sa Starting Over Again na idinirek pa ni Olive Lamasan under Star Cinema.

Maging si Toni rin raw ay matagal na niyang iniidolo.

“Kapag napapanood ko siya (Toni) parang ang gaan-gaan. Si Direk Olive naman, well every actor naman talaga ay dream na maidirek niya kaya super thankful ako at naisama ako sa pelikula,” say ni Iza na super seksi na ngayon.

May nagsabi na mas lalo raw gumanda ang career ni Iza nang lumipat sa ABS-CBN from GMA 7. Pero kaagad naman sinalag ng actress ang balita dahil walang ginawang masama ang Kapuso sa kanya at nagpapasalamat siya sa mga naitulong sa kanyang showbiz career.

Mapapanood na sa mga sinehan ang Starting Over Again sa Feb. 12 bilang Valentine offering ng Star Cinema.

 

ISANG BUWANG selebrasyon ang magaganap sa Walang Tulugan With The Master Showman ni Kuya Germs. Hindi raw siya nagkamali na manatili sa GMA 7 kahit gabing-gabi na ipinalalabas ang kanyang show.

Kung dati ay pangarap niyang ma-revive ang That’s Entertainment, ngayon ay wala na raw sa isip niya ito.

“Legacy na kasi ‘yun, eh. History na. Sabi nga sa akin ni Ma’am Wilma (Galvante) nu’ng araw, ‘Kuya Germs, hayaan mo na ‘yung That’s Entertainment, markado na ‘yun’.”

Inamin din ni Kuya Germs na hindi kumikita ang Walang Tulungan. Pero dahil mahal niya ang showbiz, kanyang ipinagpatuloy pa rin hanggang sa ngayon.

“Wala talagang kita ang show, kasi ang advertiser, ang budget nila sa primetime. Huli na ‘yan, kung mayroon man. Pero hindi ako pinababayaan ng kumpare ko, ng Hapee Tootbrush.

“‘Yung dapat na ibulsa ko, ‘yun ang binibigay ko sa mga bata. Hindi ko mabi-blame ang management ng GMA na hindi binibigyan ng ano, dahil wala namang budget talaga.

“So, ang pamamaraan ko, ibinibigay ko sa mga bata ‘yung incentives ng GMA,” katuwiran ni Kuya Germs.

Naitsika rin ni Kuya Germs na iniyakan niya ang pagkawala ng kanyang mga shows, That’s Entertainment, GMA Supershow, Negosiete, atbp.

“I was crying in my room because in one year nawala ang GMA Supershow, tapos nawala ang That’s Entertainment, tapos nawala ang Negosiete. Nawala ang Telecine.

“Sabi ko kay Mr. Jimenez, ano pa ang gagawin ko, eh wala na lahat ng shows ko! Kailangan ninyo pa ba ako? Ano ang gagawin ko dito? ‘Gagawin ka naming consultant!’”

Pero dahil love talaga ni Kuya Germs ang showbiz, nagpahayag siya na gusto niyang magkaroon ng show.

Pinagbigyan naman siya at binuhay niya ang Master Showman! Live” ng 10:30 ng gabi.

“After 3 weeks ginawa na kaming 12 o’clock. Doon na ako sumigaw ng Walang Tulungan. Hanggang sa sinabi ni Atty. Gozon na baligtarin at gawing Walang Tulungan With The Master Showman! Hahaha!” tsika pa ni Kuya Germs.

Co-hosts ni Kuya Germs sa show sina John Nite, Shirley Fuentes, Sharmaine Santiago, Jake Vargas, atbp.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

loading...

2 thoughts on “Iza Calzado, pinagnasaan din si Piolo Pascual

Leave a Reply

Your email address will not be published.