Iza Calzado, malabong magkagusto kay P-Noy!

DUMATING NA SI Iza Calzado ga-ling Vancouver, Canada at nagulat siya na ang isyu pa rin nila ni Pres. Noynoy Aquino ang isinalubong sa kanya.

Siyempre, idinenay na naman ni Iza ang kuwentong nag-date sila dahil sa birthday party lang talaga sila ni Ogie Alcasid nagkatsikahan at pagkatapos nu’n wala na.

Paano pa raw sila magde-date eh, umalis naman siya pa-Canada para sa GMA Pinoy TV sa Vancouver, kaya malabo raw talaga ang isyung iyan.

Gusto na naman ni Iza na manahimik na muna sa ngayon pagkatapos ng break-up nila ni Atticus King.

Sa totoo lang, kahit tahimik lang at napaka-private ni Atticus, pinag-uusapan pa rin ang relasyon nila dahil kay Iza siyempre. Eh, ano pa kaya kung si P-Noy ang ma-involve sa kanya, ang gulo niyang tiyak.

Ayaw raw ni Iza ng ganu’n kagulo kaya malayo raw sa katotohanan ang intriga sa kanilang dalawa. Sila lang daw kasi ang nakitang magkausap du’n sa party ni Ogie, kaya natutukso tuloy sila.

Type kaya ni Iza si P-Noy? Ewan ko lang ha? Dinig ko kasi, hindi nga si P-Noy ang binoto niya. Alam ko si Gibo, eh!

 

PUSPUSAN NA NGAYON ang paghahanda ni Mark Herras sa nalalapit na Cosmo Bachelor Bash dahil naimbitahan siyang mag-guest sa event na ‘yun.

May hiwalay na segment si Mark na tiyak na ikaloloka ng mga babae’t bading kaya abangan n’yo ‘yan.

Ang dinig ko, ito raw ang pinakamalaking Bachelor Bash ng Cosmopolitan magazine kaya pinaghandaan nila nang husto at inipon nila ang mga sexy hunks na rarampa.

Hindi kasi nakarampa si Mark nu’ng napasama siya sa 10 Centerfold at ngayon lang siya nabigyan ng pagkaka-taon dahil available naman siya. Seryoso naman siya sa paghahanda kaya sana maganda ang kalalabasan.

Kokonti lang nga ang mga Kapuso talents na rarampa sa Bachelor Bash na ‘yun. Sa 10 centerfold nila, si Enzo Pineda lang ang nag-iisang Kapuso dahil naging Kapamilya na kasi si Paulo Avelino.

Pero rarampa rin yata si Aljur Abrenica dahil may special segment ang Century Tuna na ini-endorse niya. Isa ito sa mga sponsors ng event na ito kaya join ang Aljur.

Kahit mas marami ang mga Kapamilya talents na rarampa, tiyak na kakabog din naman ang mga Kapuso talents na inimbitahan ng Cosmopolitan. Abangan natin iyan!

 

NEXT WEEK AY babalik na sa trabaho si Manilyn Reynes dahil naka-recover na rin naman ito pagkatapos niyang manganak at na-Dengue pa.

Hirap na hirap na nga si Mane sa pagbubuntis niya dahil naka-bed rest lang talaga ito hanggang sa nakapanganak, pagkatapos nu’ng nanganak naman sinundan agad ng Dengue. Kaya na-extend daw ito sa hospital at malamang pumayat na siya nang bonggang-bongga.

Sa Martes ay dadalo na siya sa story conference ng bagong serye nito sa GMA-7 na Daldakina at babalik na siya sa Pepito Manaloto. Na-miss na raw niyang magtrabaho pagkatapos niyang magbakasyon ng ilang buwan.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

7 thoughts on “Iza Calzado, malabong magkagusto kay P-Noy!

  1. pls watch T3 tv5 5 30 pm sana tutukan nyong manood mga kababayan salamat magandang palabas po ito para sa mga inaapi tnx

  2. sus! yan ba ang magugustuhan ni iza? hello! pwede ba! tigilan na yang issue na yan! si kris aquino ang pag usapan nyo at hindi si pnoy!  mga abnoy!

  3. Bakit magugustuhan ni Iza si Pnoy. Ang pagiging presidente ni Pnoy is only for 6 years eh ang marriage is for a lifetime. Hindi ginto kundi fake na ginto na binalutan ng tanso so why? Ang labo.

Leave a Reply

Your email address will not be published.