Iza Calzado, lalayasan na ang Siyete?!

True kaya ang bali-balita na lilipat na ng ibang istasyon si Iza Calzado?

Matagal-tagal na nating hindi napapanood sa isang regular na teleserye si Iza. Kung hindi kami nagkakamali, halos anim na buwan na ring nababakante ang beauty ng dalaga ni Lito Calzado. Sa katunayan nga, nagpakita na ng kanyang pagkadismaya ang ulirang ama ni Iza. Umabot pa nga raw sa punto na gusto na nitong kausapin ang higher bosses ng Kapuso network.

Kung sakali mang mag-ober-da-bakod si Iza, magiging malaking kawalan ito sa Siyete. Bihira na tayong makahanap ngayon ng maganda, mabait at award-winning actress. Isip-isip, mga Kapuso!

By Mica Rodriguez

Photos By Luz Candaba, Allan Sancon, Mark Atienza and Parazzi Wires

Parazzi Chikka
Parazzi News Service

Previous articleJohn Lloyd Cruz at Shaina Magdayao, magkasama sa birthday party ng TV exec!
Next articleSAM-one to Love! (Sam Milby)

No posts to display