Iza Calzado, ikinuwento kung pa’no niyaya si Piolo Pascual

Iza-CalzadoIPINAGPAPASALAMAT NI Iza Calzado na very understanding ang British-Filipino boyfriend niya dahil pinayagan siyang maka-date si Piolo Pascual sa Star Magic Ball na ginanap last Saturday.

“Sabi lang niya, “Go if that’s best for you and for Piolo.” He’s very supportive,” say ni Iza nang makausap namin sa presscon ng Maria, Leonora, Theresa.

Normally raw kasi kapag may mga showbiz gathering, mag-isa lang siyang pumupunta. Pero sa ginanap na Star Magic Ball, si Piolo nga ang naka-date pa niya na matagal na niyang crush.

Ipinakuwento tuloy sa kanya ng press kung paano niya niyaya si Piolo to be his date sa Star Magic Ball? Tulad din daw ba ni Xian Lim na mistulang parang ala-proposal nang yayain si Kim Chiu?

“Hindi naman ganoon. Napag-usapan lang sa set. Napag-usapan namin ‘yung Star Magic Ball and I wasn’t sure kasi if I was going to take din. Normally kasi kapag may mga showbiz gathering ay talagang, I go alone.

“So, sabi ko sa kanya, “Uy, Pij (shortcut for PJ na palayaw ni Piolo) baka puwede naman tayong magkakasama sa table.” Sabi niya kasi, “Sinong kasama mo sa ball?” Sabi ko, “Basta kapag wala akong kasama, puwedeng magkasama tayo sa table?” Tapos, sabi niya, “Let’s just go together,” tsika ni Iza.

Ang siste sa pagpayag ni Piolo na maka-date niya sa Magic Ball, bigla raw tuloy nagkaroon ng pressure sa kanya dahil ang lalaking makakasama niya ay matagal na niyang crush.

Samantalang hindi napigilan ni Iza ang mapaiyak sa ginanap na presscon ng Maria Leonora Theresa nang mapag-usapan ang kanyang ama.

Kung pagbabasehan kasi ang isina-telebisyong buhay ni Iza sa MMK, talagang super close si Iza sa ama, ganoon din sa kanyang ina na namayapa kung kailan sila mas naging close at natanggap ang kanyang mga pagkakamali.

Ang kanyang namayapang ama na si Lito Calzado ang tumayong tagasuporta ni Iza nang pasukin niya ang pag-aartista.

Kaya sa tuwing mapag-uusapan ang ama, hindi talaga mapigilan ni Iza ang mapaiyak.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

Related Post

loading...

2 thoughts on “Iza Calzado, ikinuwento kung pa’no niyaya si Piolo Pascual

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.