Iza Calzado, ikakasal na sa Fil-British BF ngayong taon

Iza-Calzado Iza-CalzadoGUSTO KO ‘yong gawi ni Iza Calzado na turo ng kanyang mga magulang mula sa pagkabata hanggang sa panahon na ngayon ay karelasyon niya ang BF na si Ben at balang araw ay magkakaroon din sila ng anak ay maibabahagi niya sa mga anak nila ang “word of honor” na hanggang ngayon ay pina-practice pa rin ng dalaga at pinangangatawanan.

Dahi sa sobrang kabisihan ng bagong Dyesebel na si Anne Curtis sa taping ng almost four times a week, tila walang time ang dalaga na sumipot sa daily show niyang It’s Showtime. Sumasablay na si Anne dahil sa kapaguran at sunud-sunod na taping, hindi na siya nakasisipot.

Kaya nga nang magdesisyon ang Kapamiya Network na kumuha ng replacement sa pagkawala ni Anne, agad naisip ng ABS-CBN Network na ilagay si Iza kahit may bagong show ang dalaga na sinumulan noong Lunes ang The Biggest Loser (Doubles) kasama si Robi Domingo at Matteo Guidicelli.

Magandang exposure ang It’s Showtime, lalo na kung ang pakay mo ay magpaka-masa, kung saan ito ang habol ng karamihang mga artista ng Kapatid Network na mapasama at maging regular sa show.

Dahil may breeding at pina-practice ng dalaga ang “word of honor”, nagpaalam muna siya kasama ang manager na si Noel Ferrer kay Mr. Tuviera ng Tape, Inc. at kay Ms. Malu Choa-Fagar bago niya tinanggap ang noontime show na katapat ng Eat Bulaga.

Sa pag-alis kasi ni Iza sa istasyon na katabi ng Kamuning MRT Station, nagpaalam siya sa pamunuan ng Tape, Inc. na kahit ano ang mangyari, she will never show up sa isang show na direct competitor at makakatapat ng EB.

Dahil may pagpapahalaga sa kanyang “salita” nag-take time at effort ang dalaga na makipag-usap kay Mr. Tuviera at Tita Malu.

Dahil disenteng nakipag-usap at disente namang tunay si Iza, pumayag ang dating mga “bossings” niya sa Tape, Inc. na tanggapin nito ang show na ibinibigay sa kanya ng Kapamilya Network.

Sa showbiz, mabibilang mo na lang talaga kung sino sa mga artista natin at showbiz personalities ang walang ganito o pagpapahalaga sa kanilang binitawang salita.

Pero si Iza iba. Aral kasi sa ina at sa amang si Lito Calzado na ang “word of honor” ay dapat bigyang-halaga. Anytime this month ipakikilala na si Iza as the newest co-host sa It’s Showtime.

Sa pagiging maganda ng pag-uugali ni Iza, no wonder gusto siya ng mga taga-TV production at ng mga taga-Star Cinema na ngayon ay kabilang siya sa isa sa pinakamalaking pelikula ng produksyon para sa kanilang ika-20 anibersaryo, ang Starting Over Again sa direksyon ni Olivia Lamazan, kung saan bida sina Piolo Pascual at Toni Gonzaga.

Tulad ni Toni, isa rin pala sa pangarap ni Iza sa kanyang showbiz career ay makasama si Papa P. sa pelikula na ngayong 2014 ay naisakatuparan. She plays girlfriend ng aktor and at the same time ay kasosyo sa restaurant business nilang dalawa.

By the way, balita namin, itong taon na ikakasal si Iza sa boyfriend niyang Fil-Brit na si Ben Wintle.

 

LAUGH TRIP kami kapag si Manay Lolit Solis ang katsika namin sa umpukan. No holds barred ang mga info at tsika niya. Nakawiwindang.

Nang dumalaw siya kay Vhong kamakailan, sinilip ni Manay ang “notes” ng komedyante para patotohanan lang sa sarili na hindi damaged ang yagbols nito sa sipa.

“Malaki ‘no!” say ni Manay Lolit in her usual kakenkoyan.

Advice niya kay Vhong at sa ibang mga lalaking artista: “Next time, ‘wag na silang tumikim ng iba kung may dyowa din lang naman sila. Mahirap na at baka maulit ang ganu’ng eksena. Sa mga bakla na lang sila magpa-hada. Nasarapan na sila, may pay pa!” sabay halakhak ni Manay sa kanyang binitawang linya.

Reyted K
By RK VillaCorta

loading...

One thought on “Iza Calzado, ikakasal na sa Fil-British BF ngayong taon

Leave a Reply

Your email address will not be published.