Iza Calzado, hihirit ng kissing scene kay Sen. Bong Revilla! – Chit Ramos

FOR THE FIRST TIME daw ay magko-kontrabida si Iza Calzado sa pelikulang Yaya and Angelina (The Spoiled Brat Movie) nina Ogie Alcasid at Michael V.

Nagpakita siya ng sampol kung paano tratuhin ang batang spoiled brat sa mismong presscon ng pelikulang ngayon pa lamang ay inaasahan ng magiging isang malaking hit sa takilya.

Kinurot ni Iza sa singgit si “Angelina” sa ilalim ng mesa kaya nga napasigaw ng “aray” ang batang retarded. “Huwag diyan!” sansala nito sa dalagang katabi ni Michael V. Nakiliti yata ang dyowa ni Regine Velasquez o dumaplis ang kamay nito sa target. He! He! He!

Mukhang nagkakatotoo ang hula kay Iza na magiging taon niya ang 2009 at 2010. “Bukod sa Y & A, ipalalabas din ang Hollywood movie niyang The Echo rito sa ‘Pinas, at umani rin ng award ang indie movie niyang Dukot sa Brussels. Sayang nga lang at hindi sila nakahabol doon. Nasa Canada na raw sila for a show at 4 na oras na lang liliparin ang lugar, pero, kapos sa pera ang producer kaya’t hindi nakabili ng tiket para sa kanilang mag-ama.

Higit sa lahat, kinuha siyang leading lady ni Sen. Bong Revilla at para sa kanya, male-level na siya sa beauty queens na nakapareha nito. Nagtataka lang daw siya dahil balitang wala silang kissing scene ni Sen. Bong sa Metro Manila Filmfest entry ng Imus Productions.

“Mahiwaga kasi ang role ko dito. Mapupunta ako sa lugar na pinaninirahan ni “Panday” at ako ang magbibigay sa kanya ng lakas ng loob upang labanan ang masasamang elemento sa kanilang lugar. Tapos, walang kissing scene? Baka masira ang image ko. May kissing scenes kasi ako kina Wendell Ramos ( Sabel), Ken Shu, yes, ng F4 (Batanes), Dingdong Dantes (Eternity), at Dingdong pa rin ( One True Love). Actually , baka masira rin ang image niya, kaya posibleng hihirit na lang ako. Hihirit ng kissing scene po!”

TINATAWAGAN DIN ng pansin ni Ogie ang dati niyang yaya, si Marietta Burton dahil gusto niyang makasama ito sa promo ng pelikulang palabas na sa Sept. 23. Balita niya’y nasa Canada ito, hindi lang niya alam ang address. Ayaw kasing maniwala ang mga nag-i- interview sa kanya na hindi siya naging pilyo rito.

“Hindi po ang yaya ko ang pinilyo ko noong bata pa ako, kundi ang mga katulong namin. Tawag ako nang tawag sa kanila na bumaba mula sa itaas, tapos may pinakukuha ako sa taas. Iyon, pababa at pataas sila ng paulit-ulit,” aniya pa.

Inamin din si Ogie na sa ngayon ay mas tinatawag siyang “Angelina” ng mga tao. Nakakalimutan yata ng mga ito na siya si Ogie.

SINUBUKAN NI  JENNYLYN Mercado na awatin ang movie press sa pagtatanong tungkol sa estado nila ni Patrick Garcia, ama ng one year old niyang anak na si Jazz.

“Pagod na po ako,” anya. “Kasi po, gusto ko na rin pong bigyan ng chance ang Ikaw Sana na siyang pag-usapan dahil kailangang-kailangan namin ang tulong ninyo,” katwiran niya. Tinutukoy niya ay ang GMA telebabad series nila ni Mark Herras na ipalabas na sa Sept. 21 bago mag-24 Oras.

Payo tuloy namin sa kanya ay matutong magpatawad at makalimot sa malulungkot niyang alaala sa nakaraan dahil tiyak namang mas maraming magagandang alaalang naiwan sa kanya ang ama ng kanyang anak. Baka sakali ding tumaba-taba na siya at magkalaman ang impis niyang mukha.

SAMANTALA, TULOY NA tuloy na rin ang Dugo-dugo special sa Sharon ngayong Linggo ng gabi. Musical episode of relatives ang guests, tulad ni Tirso Cruz 111 with daughter Djanin and cousin Geneva, Jim & James Salas with son Paul & Gab, Victor Wood & son Simon.

BULL Chit!
by Chit Ramos

loading...

2 thoughts on “Iza Calzado, hihirit ng kissing scene kay Sen. Bong Revilla! – Chit Ramos

Leave a Reply

Your email address will not be published.