Iza Calzado: From Beauty Queen to Drag Queen!

NAKAKAALIW ANG TRANSITION ng roles na pino-portray nga-yon ni Iza Calzado, huh? Pagkatapos gumanap bilang isang beauty queen na may rags to riches background story sa Beauty Queen ay kakaririn naman nito ang pagiging Drag Queen sa I Heart You, Pare, ang romance-comedy series na pinagbibidahan nina Dingdong Dantes at Regine Velasquez. Biglaang pinull-out si Regine sa nasabing serye dahil sa i-lang kumplikasyon sa kanyang kalusugan.

Si Iza Calzado ang personal choice ni Regine Velasquez para gampanan ang papel na Tonette/Tonyang, na talaga namang kinakabaliwan sa primetime ngayon. Dati na rin gumanap bilang isang drag queen si Iza sa isang episode ng Obra, pero first time ni Iza na mapapasabak bilang bida sa isang comedy series.

Aminado ang aktres na hindi niya nasusubaybayan ang programa ni Regine kaya medyo nangangapa pa ito. Buti na lang at all out support ang mga baklang cast ng programa, huh!

Ngayon pa lang ay inaabangan na ng mga viewers ng I Heart You, Pare kung mapapantayan ba ni Iza ang challenging role na iniwan ni Regine Velasquez. Hindi naman sikreto sa showbiz na isang gay icon ang Asia’s Songbird. Nakampante si Iza nang malamang walang gaanong singing scenes si Regine sa series. Ito din ang magsisilbing reunion project nila ni Dingdong Dantes, na nagkasama noon sa mga fantaserye tulad ng Encantadia, Etheria at Atlantika. Marami rin ang nainlab sa tambalan nila noon sa pelikulang ‘Moments of Love’ at ‘One True Love’.

Very much in love itong si Iza Calzado sa kanyang non-showbiz boyfriend at may Marian Rivera naman si Dingdong Dantes. Kung sakali man tumalab muli ang kanilang onscreen chemistry, mananatiling hanggang TV lang ‘yun. Pramis!

There you have it! From Beauty Queen ay Drag Queen na si Mareng Izadora. Magiging makulay kaya ang pagtanggap ng mga Kapuso viewers sa biglaang pagbabagong ito?

For questions, comments and suggestions, kindly email us at pinoyfansclub@gmail.com. Visit our website at http://www.pinoyfansclub.com

Showbiz Blogster
by Mica Rodriguez
Pinoy Fans Club

loading...

3 thoughts on “Iza Calzado: From Beauty Queen to Drag Queen!

Leave a Reply

Your email address will not be published.