Iza Calzado, ‘di na itinatago ang love life! – Eddie Littlefield

NANG MAKAUSAP NAMIN si Iza Calzado sa presscon ng Ang Panday, hindi niya itinangging very much in love siya ngayon sa new-found love na si King. “The more you think the person being the one, mas mahahanapan mo ng butas na hindi siya ‘yung the one. So, basta masaya kami, ‘yun yata ang important. The Christmas will be complete because my love ones are here and of course, the big part of it is my boyfriend. It’s very interesting, it’s like a roller coaster ride for me. Pati sa work, in the beginning it’s not heavy pero ngayon unti-unting nagpi-pick-up ‘yung career ko. Especially, after my birthday, pagka-birthday ko, nagtuluy-tuloy, ratsada talaga,” say niya.

May kumalakat na tsismis ngayon – si Iza raw ang dahilan ng hiwalayan nina Liezel at Robin, how true? “Hindi ko alam na naghiwalay na sila. Matagal na ‘yung Totoy Bato, wala namang sinasabi sa akin si Robin tungkol sa kanila ni Liezel,” nabiglang turan ng dalaga.

Material na bagay na gustong matanggap ni Iza this Christmas? “Kung may makapagbibigay ng kotse, bakit ang hindi! Joke lang! ‘Yung kotse, ako dapat ang bibili n’yan. Pero ako, kahit anong iregalo, okey na sa akin. If I’ve could buy myself something, it could be a car. If ever na reregaluhan ko ang sarili ko, it could be a signature bag,” aniya.

MALAYO NA ANG narating si Raph Salazar as the Singing Champion, tinanghal  bilang Junior Grand Champion Solo Vocalist of the World at Junior Grand Champion Performer of the World. Naging “Brightest Star Award” sa “Little Big Star” sa ABS-CBN noong 2005 si Raph. Kailan lang, pinabilib niya ang viewing public nang inawit nito ang sarili niyang bersiyon ng “All By Myself” sa TV show ni Ellen Degeneres.

Kung kailan abot-kamay na ni Raph ang tagumpay, pilit naman silang iniintriga ni Charice. Sa launching ng kanyang self-titled album, sinagot ng binatilyo ang intrigang pinagtatapat sila ni Charice. “Nang malaman ko po ‘yun nakakapanghina na ipinagtatapat kami ni Ate Chat. Nag-text naman po ako sa kanya, ano ba itong nangyayari sa atin? Tapos, nu’ng nag-ASAP kami, sabi ko, huwag na lang nating pansinin ‘yun, hindi naman totoo. At saka, huwag po kayong maniwala du’n, hindi naman po kami naapektuhan ng mga issue ‘yung tungkol sa aming dalawa,”paliwanag niya.

Sa kuwento ni Raph, mismong si Ellen ang tumawag sa kanila para mag-guest sa show niya ang singing champion. “Opo, tinawagan po nila ‘yung personal manager ko po, gusto nilang kantahin ko ‘yung “All By Myself,” sa YouTube po nila ako nakita.”

Pangarap rin ni Raph na maging international singing sensation tulad ni Charice na makagawa ng album under Warner Records. Gusto rin niyang mag-guest sa Oprah kung tutulungan siya ng dalaga.

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

loading...

2 thoughts on “Iza Calzado, ‘di na itinatago ang love life! – Eddie Littlefield

  1. Gaga. nanghihinayang ka kay Iza. ibig sabihin niyan sikat siya, ano? Bobo bobo bobo. Manghinayang ka kay Angel Locsin, kasi from being the hottest and fastest rising star dati nong nasa GMA7 pa siya, naging one of those na lang siya ngayon (love ko pa naman si Angel, kahinayang talaga)

Leave a Reply

Your email address will not be published.