Iza Calzado, deadma sa mga pulitikong ‘manliligaw’

KAMAKAILAN AY NAKABALIK na sa bansa sina Marian Rivera at Dingdong Dantes. Natuloy na rin ang pagpapakilala ni Marian sa kanyang amang nasa Madrid, Spain sa boyfriend nitong si Dingdong.

Doon sila nag-celebrate ng Valentine’s Day, at nakapiling nila ang guwapo ring father nito, na hawig kay Marian.

May nangyari nga bang pamamanhikan ni Dingdong sa ama ni Marian sa Spain?

“’Wag n’yo nang itanong ‘yan, ang mahalaga ay sama-sama kaming nag-celebrate ng Valentine’s doon,” sambit ng alaga ni Popoy Caritativo. “Hindi ‘yun masusuklian, ‘yung pagmamahal, ‘yung saya, ‘yung bonding ng kahit na anong material na bagay.”

Seven years rin kasing hindi nakita ni Marian ang kanyang Spanish father, at tuwang-tuwa ito dahil natupad ang plano niyang bisitahin ang ama, kasama ang jowa.

“Ang sarap ng feeling na nagkita kami uli. Sobrang saya ko! Nu’ng nakita ko nga siya, nagyakapan kami and sobrang enjoy lang talaga,” kuwento ni Marian.

Very proud umano ang dad niya sa narating ng anak sa Pinoy showbiz. “Hindi raw niya ako iniisip kung ano ako rito sa Pilipinas. Ang importante, nabuo raw ang pagkatao niya kasi, nakita niya ako. Nangako siyang pupunta siya rito, surprise daw kung kelan.”

ITINANGGI NI CRISTINE Reyes na may gagawin siyang bagong sitcom sa GMA-7 kasama ni Vic Sotto (leading man niya sa Ang Darling Kong Aswang nu’ng MMFFP) at aniya’y loyal siya sa Kapamilya network.

Sinabi ng sexy actress na may exclusive contract ito sa ABS-CBN, kaya malabo itong makatrabaho ni Vic sa Siyete.

Instead, may gagawin itong new series sa Dos at isa sa makakasama niya sa show ay si Zanjoe Marrudo bilang buwena mano leading man. Tuloy, since loveless si Cristine, may chikang baka raw “agawin” nito si Zanjoe from Mariel Rodriguez?

“Hello! Si Mariel, friend ko siya. Si Zanjoe, hindi pa kami gano’n ka-close, pero I hope maging close din kami eventually pagdating namin sa work. Kasi, kailangan namin ‘yun,” say ng alaga ni Veronique del Rosario-Corpus ng Viva Artists Agency.

Si Cristine ay isa sa hottest sexy stars ngayon at since idini-deny naman niyang nagkabalikan sila (o sila pa rin?) ni Dennis Trillo, eh, hindi malayong ma-link ito sa mga hunky actors na nakakasama niya, like si Zanjoe nga, na siyang latest, after Jake Cuenca na nakatrabaho naman nito sa isang afternoon series sa Dos.

Si Mariel, mukhang confident namang hindi “maaagaw” sa kanya ang jowang si Zanjoe dahil matagal-tagal na rin naman sila, and tila in love naman sila sa isa’t isa, so nothing to worry.

Nakatakdang simulan ni Cristine ang kanyang new series after ng US and Canada series of shows niya ngayong March.

AYAW MAGPAGAMIT NI Iza Calzado sa sinumang pulitiko ngayong eleksiyon. Inamin ng maganda at mahusay na aktres na maraming politicians ang “nanliligaw” sa kanya upang i-endorse siya, pero dine-deadma niya ang mga ito.

Para sa kanya, isa itong sensitibong issue, lalo na kung hindi niya kilalang-kilala ang personalidad nito.

“This is a huge thing for me and this is my first time to vote,” saad ni Iza sa presscon ng Panday Kids. “I just feel na as an artist, we have the power to sway people…

“I just feel na hindi ako ang dapat na magsabi sa mga tao,” opinyon ni Iza.

Iza plays Maria Makiling sa Panday Kids, ang newest telefantasya ng GMA na magsisimula na next week, pinagbibidahan ng mga batang nakapasa among hundreds of applicants, headed by Buboy Villar.

“I’m the goddess na si Maria Makiling dito, who takes care of nature.”

Ang Panday Kids ay tinatampukan din nina Jolina Magdangal, Polo Ravales, JC de Vera, Jackie Rice, Gelli de Belen, and Marvin Agustin, directed by Mike Tuviera.

Mellow Thoughts
by Mell Navarro

loading...

2 thoughts on “Iza Calzado, deadma sa mga pulitikong ‘manliligaw’

  1. yan ang dapat 2laran wag my paninindigan di gaya ng iba taartitz if da price is right go lng go bsta my raket..hmm kya poor pinas kong mahal di tau mkausad

Leave a Reply

Your email address will not be published.