Iza Calzado, balik-tambalan kay Piolo Pascual

Iza-CalzadoMASAYA SI Iza Calzado na pagkatapos ng tagumpay ng pelikulang Starting Over Again, kung saan tumatak ang kanyang role bilang nakatuluyan ni Piolo Pascual sa istorya, heto’t may kasunod ang pagtatambal nila ni Piolo sa isang seryeng sinisimulan na sa ngayon ng Kapamilya network, ang Hawak Kamay. Makakasama rin sa nasabing serye sina Zaijian Jaranilla, Xyriel Manabat at Andrea Brillantes.

Ayon kay Iza, ang istorya ay ‘di lang iikot sa love story na kadalasang sentro ng mga napapanod nating soap, kundi sa buhay ng mga bidang bata. Para sa aktres ay perfect timing talaga ang lahat dahil kung tumanggap siya ng ibang roles ay ‘di niya magagawa ang Hawak Kamay.

Masaya sa relasyon sa kanyang Fil-Brit boyfriend na si Ben Wintle, sa uso-usong kasalan ngayon sa showbizness, wala pa sa balak ng dalawa ang pagpapakasal kung saan ang pokus nila pareho ay ang kani-kaniyang career. Isang matagumpay na entrepreneur, sportsman at co-founder ng Trustcircle (a matchmaking website) ang kasintahan at kung paguwapuhan ang pag-uusapan ay hindi ito pahuhuli sa ilang mga aktor natin. Very supportive ang kanyang boyfriend sa kanyang showbiz career at labis itong pinagpapasalamat ng aktres. Nang maging special co-host sa Showtime kung saan nila-loveteam siya kay Jhong Hilario at pansamatalang magpahinga rito ay tinanong pa siya ng boyfriend kung paano na ang loveteam nila ni Jhong.

Host din sa The Biggest Loser Pinoy Edition Doubles, masaya si Iza sa tinatakbo ng kanyang career sa Kapamilya Network, kung saan dahan-dahan man ang tinatakbo ng kanyang career ay tumatatak naman ang lahat ng proyektong ginagawa.

Maiba Lang
By MELBA R. LLANERA

loading...

3 thoughts on “Iza Calzado, balik-tambalan kay Piolo Pascual

Leave a Reply

Your email address will not be published.