Iza Calzado, ayaw pag-usapan ang gap kay Sunshine Dizon by Lolit Solis

NAKORNER DIN NG mga reporters si Iza Calzado nung nagpa-presscon ito para sa SRO Cinemasereye nu’ng nakaraang Biyernes. Tampok si Iza sa bagong episode ng SRO Cinemaserye na kung saan siya ang gaganap bilang Rowena Joy.

Doon sa presscon ay napilitang sagutin ni Iza ang intrigang magkaaway sila ngayon ni Sunshine Dizon.

Maingat ito sa mga sagot niya at ayaw nga niya sanang pag-usapan ito. Pero nabuking na hindi nga siya binati ni Sunshine nu’ng kaarawan niya. Pero sabi lang niya, as far as she’s concerned, okay sila ni Sunshine. Pero halata talagang may gap sila, pero iniiwasan na lang nilang pag-usapan kung ano ang dahillan.

Sa Huwebes na pala magsisimula itong SRO Cinemaserye presents Rowena Joy ni Iza. Abangan nyo na lang!

NAGSALITA NA RIN SI Sen. Manny Villar tungkol sa kontrobersya sa pagpili nitong National Artist.

Wala naman daw siyang karapatang magbigay ng komento tungkol sa mga napili pero ang sa kanya lang, panahon nang isali sa mga National Artists si Dolphy.

Matagal na itong ni-recommend ni Sen. Villar sa senado at hindi pa rin ito pinansin ng Malacanang.

Sabi nga niya, sana hindi na ito pinakialaman ni Pres. GMA at hinayaan na lang ito sa mga mas nakakaalam kung sino ang nararapat na piliing National Artist.

Nalulungkot daw siya dahil sana kasali talaga ngayon si Dolphy sa pararangalan.

Nang makatsikahan namin si Sen. Villar nu’ng nakaraang Biyernes sa Laurel mansion niya sa Mandaluyong, ipinakilala na rin nito ang mga senatoriables niya na pawang papables ha!

Isa nga sa listahan ng mga senatoriables niya si Sen. Allan Peter Cayetano na game na game sagutin ang nalalaman niya sa break-up nina KC Concepcion at ng kapatid niyang si direk Lino Cayetano.

Nakakaloka siya dahil wala siyang “no comment” ha! Ibinuking nitong nasaktan nang husto si Lino nang maghiwalay sila ni KC.  Kasama rin pala si Atty. Adel Tamano na mukhang wagi na ito dahil tiyak na suportado ito ng mga Muslim at mga babae’t bading.

Ipinaliwanag na rin pala doon ni Atty. Tamano na walang hold order si Dra. Victoria Belo kundi nasa watchlist lang ito ng DFA at nag-lapse na raw ito nu’ng araw na iyun. Kaya nakakapag-biyahe na si Victoria, at aalis na nga itong linggong ito dahil may mga speaking engagement siya sa Amerika.

I’m sure, all-out ang suporta ni Dra. Belo sa pagtakbo ni Atty. Tamano.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.