Iza Calzado, ayaw pag-usapan ang bagong boyfriend by Gorgy’s Park

NALOKA SI IZA Calzado sa Pinoy Parazzi nang lumabas ang litrato nila ng kanyang non-showbiz boyfriend nang magkasama silang dumating sa concert ng Nine Inch Nails.

“Kayo talaga parazzi! Tito Ed! Raimund! Napakahusay n’yo!” bulalas nito. Nabigla raw siya pagbaba nila ng kotse, nagkislapan agad ang kamera at nakunan silang magka-holding hands na pumapasok.

“Malay mo bang pati du’n sa Nine-Inch Nails, nandu’n sila. Ang mga taga-Parazzi talaga! They’re everywhere! Nakakaloka,” patuloy na tili ni Iza.

Sa mga ganu’ng pagkakataon, wala naman daw siyang magagawa pero kung si Iza ang masusunod ay gusto raw sana niyang sarilinin ang kasalukuyan niyang lovelife. “Desisyon ko muna kung hindi ko pa muna puwedeng ilabas ang mga nangyayari sa  personal kong life, sana maintindihan ninyo. Gagawin ko muna kung medyo private, pero kung sakaling makunan ng picture o ano, okay lang iyun pero desisyon ko pa rin kung hindi ko muna ilalabas o ikukuwento dahil ayoko muna siguro,” pahayag ng aktres.

Sa ngayon ay masaya raw siya sa kanyang buhay lalo na sa lovelife kaya gusto nitong tahimik lang at sa kanya na lang daw muna ito.

Bukas ay isi-celebrate ni Iza ang kanyang kaarawan at very private lang daw ang selebrasyon. Kung meron mang balak ang kanyang boyfriend, hindi pa raw niya alam.

Basta may taping daw siya  sa SRO dahil mas gusto raw niyang nagtatrabaho siya sa kanyang kaarawan.

SA AUGUST 16 naman ang first birthday ng anak ni Jennylyn Mercado na si Alex Jazz at pinaghahandaan na raw ito ngayon ng young actress pero mas gusto raw niyang private din ang selebrasyon at baka may mapasok na naman daw ng taga-kabila.

Hindi ko alam kung sinong kabila ang tinutukoy ni Jennylyn. Kung iyung taga-Dos o ang mga parazzi na nakakuha sa binyag ng kanyang anak.

Ilo-launch na rin daw ang coffee table book na finally, natapos na rin daw at mailalabas na ito.

Kailangan kumuha na lang ng kopya ng librong iyun si Patrick Garcia dahil doon lang niya makikita ang lahat tungkol sa kanyang anak, mula nang iniluwal ito ni Jennylyn hanggang sa mag-i-isang taon na ito.

Katatapos lang ni Jennylyn ng Dear Friend na nagsisimula na nung Linggo at malapit na rin nitong simulan ang bagong seryeng pang-primetime ng GMA-7 na muling pagsasamahan nila ni Mark Herras.

Mas gusto na raw ngayon ni Jennylyn ang tahimik na buhay kaya lahat na mga tanong tungkol kay Patrick, wala siyang sinasagot.

By Gorgy’s Park

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.