Iza Calzado, ayaw maintriga kay Rhian Ramos – Eddie Littlefield

AT LAST, NAGKITA RIN kami ni Iza Calzado sa birthday party ni Sen. Bong Revilla na ginanap sa Whitespace, Makati. Mag-isang dumating si Iza, minus her non-showbiz boyfriend King.Hindi man kami nagkikita ng dalaga, tuloy pa rin ang aming communication. Everytime na nagkakausap kami through cellphone palaging bitin ang nakukuha kong sagot  mula sa kanya.

May mga issues na gusto namin bigyang-linaw ni Iza. Una, ‘yung tungkol sa kanila ni Sunshine Dizon. Pangalawa, ‘yung estado ng relasyon nila ng kanyang businessman boyfriend. Pangatlo, ‘yung intrigang mas markado raw ang role ni Rhian Ramos kaysa sa kanya sa pelikulang Panday ni Bong.

[ad#post-ad-box]

‘Excited ako sa muli naming pagkikita namin ni Iza. Agad itong lumapit at naki-join na siya sa amin.  Kinamusta agad namin si Sunshine sa kanya. “Kung anuman ‘yung naging problema sa friendship namin ni Sunshine, ayaw ko nang pag-usapan pa. I’m very vocal naman, best friend ko siya, alam ninyo ‘yun. Siya ‘yung close friend ko sa showbiz, ilan lang naman ‘yung kaibigan ko sa showbiz, mabibilang mo lang ‘yung artista. Hindi ko naman idi-deny na nagkatampuhan kami. Kung anuman ‘yung naging problema sa aming dalawa, sa amin na lang ‘yun. Pangit kasi, hindi magandang tignan na magsasalita ko against my best friend, hindi ako ganu’n na kaibigan. Mas mabuti siguro manahimik na lang ako,  huwag ng mag-comment about the issue,”paliwanag ni Iza.

Napakaganda ni Iza ng gabing ‘yun, bakas na very much in love ngayon ang dalaga sa  businessman-boyfriend na si King. Bakit hindi niya kasama ang boyfriend, tanong namin kay Iza. “Hindi siya showbiz, very private person si King kahit businessman siya. Nagkakasama naman kami kapag may party with close friends and relatives. We go out, nagdi-dinner, gumigimik kapag maluwag ang schedule namin pareho, ”simpleng sagot ng actress.

Ipinakilala na siya ni King sa parents nito kaya nakakahiya naman siya kung ililihim pa ang kanilang relasyon. Four months na nga silang mag-steady and it’s getting stronger everyday.  “Nakakahiya naman sa parents ni King kung itatago ko ‘yung relationship namin dalawa. As much as pssible, sana gusto namin maging private ‘yung sa aming dalawa. You know me naman, ayaw kong pinagpipiyestahan ‘yung lovelife ko pero hindi pupuwede dahil artista nga ako. Hindi nga lang maiiwasang hindi mapag-usapan dahil nasa showbiz tayo. Naiintindihan naman niya pero naiilang siyang talaga everytime na may photographer na nakukunan kaming magkasama.”

Napag-usapan din namin ni Iza ‘yung role niya sa Panday. Balita kasing mas markado raw ang role ni Rhian kaysa sa kanya. “Hindi naman, intriga lang ‘yan, magkapareho lang ‘yung bigat ng character na kinagampanan namin ni Rhian. Magkaiba lang ‘yung role namin sa pelikula, walang problema sa aming dalawa ni Rhian. Hindi importante sa akin kung sabihin nilang mas markado, mas mahaba ‘yung role ni ganito. Okey lang sa akin ‘yun, ang mahalaga, you give justice to the role. Nagustuhan ng director ‘yung performance na ipinakita mo sa pelikula. Please lang, huwag kaming intrigahin ni Rhian dahil magkasundo kaming dalawa. Sa set nga para kaming isang pamilya nagtutulungan, walang sapawan,”  pahayag ni Iza.

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

loading...

2 thoughts on “Iza Calzado, ayaw maintriga kay Rhian Ramos – Eddie Littlefield

Leave a Reply

Your email address will not be published.