Iza Calzado at Sunshine Dizon, nag-plastikan? – Gorgy’s Park

NAPAGSAMA SA ISANG presscon sina Sunshine Dizon at Iza Calzado kamakalawa dahil sabay namang magsisimula ang kanilang Sinenobela sa darating na Lunes.

Kaya Kong Abutin ang Langit ang kay Iza at Tinik sa Dibdib naman ang kay Sunshine.

Ipinakita ng dalawa sa movie press na wala silang problema at mukhang close pa rin sila lalo na’t pinagtabi sila ni Ma’m Wilma Galvante sa stage.

Pero hindi pa rin convinced dahil doon lang naman sa presscon sila pumayag na magkasama o magkatabi pero sa mga promo guesting nila ay dapat magkahiwalay.

Ganu’n pa rin naman ang mga sagot nila na wala silang problema at wala silang away, pero nakikita naman sa mga kilos nila na hindi na sila ganu’n ka kumportable sa isa’t-isa.

Mukhang lalo pa ngang lalala ng intriga sa kanilang dalawa dahil tiyak na pagkumparahin ang kanilang sinenobela at hindi maiwasang parehong maglalaban kung alin ang mas mataas ang rating.

Pero parehong maganda ang material na ibinigay sa dalawa at bumagay sa kanila, kaya sana pareho na lang na mataas at huwag na lang pagsabungin. Okay lang kung pag-initin ang professional rivalry nila pero wala na lang sanang personalan.

Si Marvin Agustin ang ka-partner ni Sunshine sa Tinik sa Dibdib, si Wendell Ramos naman kay Iza sa Kaya Kong Abutin ang Langit.

Manny Pacquiao, hindi maka-concentrate sa laban

HINDI PA MAKAPAG-CONCENTRATE si Manny Pacquiao sa pag-e-ensayo sa Baguio dahil meron pa siyang Show Me Da Manny  taping at kailangan pa niyang tapusin ang Wapakman na kasali sa Metro Manila Film Festival.

Bumalik siya sa taping ng Show Me Da Manny kamakalawa pero hindi nakababa si Manny mula sa Baguio dahil hindi pa ito pinayagan.

Tahimik ang studio habang nagti-taping ng naturang sitcom dahil wala roon si Manny.

Alam mo kasi kapag nandu’n si Manny dahil puno ang studio. Bukod sa sangkatutak niyang alalay, maraming dumarating doon para interbyuhin o di kaya humingi ng tulong at ang iba’y makipagtsikahan lang.

Sa Linggo ay nakatakdang umakyat ng Baguio ang buong cast at staff ng pelikulang Wapakman dahil hindi puwedeng bumaba si Manny, doon na lang sila magsu-shooting para matapos lang.

Sana tapusin na nga ang pelikulang ito para hindi na maabala ang ating Pambansang Kamao sa kanyang pag-e-ensayo.

Samantala, malapit nang matapos ang unang season nitong Show Me Da Manny at hindi pa tiyak kung masusundan dahil abala pa si Manny sa kanyang laban sa darating na November.

Abala rin si Marian Rivera sa Darna at meron din siyang pelikulang pang-MMFF kaya baka isang season lang ito kahit consistent namang mataas ang rating ng show.

Hindi pa namin tiyak, pero may naririnig kaming isa pang show na niluluto ang GMA-7 para kay Manny at bongga raw ang ka-partner nito.

Nangako akong hindi ko muna ikukuwento kaya abangan na lang natin.

By Gorgy’s Park

loading...

2 thoughts on “Iza Calzado at Sunshine Dizon, nag-plastikan? – Gorgy’s Park

    • KOREK KC MAY BAGONG SERIES GANYAN TALAGA ANG GMA. AT ITO NAMAN C GORGY MAKA GMA RIN………………..CGURO ARAW2X GROCERY MERON SYA GALING KAY WILMA.

Leave a Reply

Your email address will not be published.