Iza Calzado at Sunshine Dizon, magkabati na? – Gorgy’s Park

HINDI PA RIN naiwasang pagbanggain sina Sunshine Dizon at Iza Calzado dahil halos back-to-back ang pinagbibidahan nilang dramarama sa hapon.

Si Sunshine ang bida sa Tinik sa Dibdib at nakapag-pictorial na ito.

Si Iza naman ay sa Kaya Kong Abutin ang Langit na nagkaroon na ng story conference kahapon.

Nakikiusap ang dalawa na huwag na silang intrigahin dahil okay raw sila at wala naman daw talagang away.

Hindi na raw sila madalas na nagkikita dahil hindi na sila nagsasama sa taping ng All About Eve.

Pero kahit ano’ng iwas nila, obvious namang may problema talaga sila, pero ayaw na nilang palakihin ito.

MULING NAGING VISIBLE si Kris Aquino para pag-usapan ang plano ng kanyang kapatid na si Noynoy  at nagpahayag na silang magkakapatid ng all-out na suporta para rito.

Na-interview si Kris ng Startalk nang sinadya ito sa 40-day mass ng pagpanaw ng kanyang ina na ginanap sa St. Joseph Parish Church sa Balanga, Bataan kamakalawa.

Isa sa rebelasyon ng actress/TV host ay willing daw siyang ibenta ang bahay nila ng asawa niyang James Yap para gamitin ito sa pangangampanya ng kanyang kapatid.

Lahat daw iyun ay gagawin nila para lang maitawid nila ang kanilang pangangampanya.

Nagpapasalamat si Kris sa lahat na nagbigay ng suporta lalo na sa showbiz.

Kaagad na tumawag daw sa kanya si Mother Lily para magbigay ng suporta. Kahit si Boss Orly Ilacad ay inalok daw ang kanyang Octoarts building para gawing headquarters sa Quezon City.

Meron na raw singer na nag-alok ng kanyang komposisyon para gawing jingle kay Sen. Noynoy.

Naluha raw siya nang magkausap sila ni Sharon Cuneta para kumpirmahing okay na si Sen. Kiko Pangilinan na maging spokeperson ni Sen. Noynoy.

Kaya malaki ang kumpiyansa ni Kris na magwawagi sila dahil sa dami ng mga suportang ipinarating sa kanila.

Naniniwala siyang hindi sila pababayaan ng kanyang Mommy na dalawang beses na raw niyang napanaginipan.

Pagdating sa girlfriend ni Noynoy na si Shalani ay hindi nagkomento si Kris dahil hindi pa naman daw niya ito gaanong kilala. Wala pa raw isang taon niya itong nakilala kaya wala siyang masasabi sa ngayon.

Nangako naman daw siya kay Sen. Noynoy na pagdating sa lovelife nito ay tatahimik lang siya. Hindi naman daw siya magiging hadlang sa kung sino mang magpapaligaya sa kanyang kapatid.

Naniniwala rin si Kris na kung sakaling maging presidente si Sen. Noynoy, kailangan nito ng First Lady.

“Nung may sakit si Mommy, binabantayan namin sa hospital, may asawa’t anak kaming inuuwian, si Noy lang ang wala. He deserves to be happy at wala ako sa lugar na pakialaman iyun,” pahayag ni Kris.

Inaamin ni Kris na kinakapalan na raw niya ang kanyang mukha para makakuha ng tulong para sa kanilang pangangampanya.

By Gorgy’s Park

loading...

9 thoughts on “Iza Calzado at Sunshine Dizon, magkabati na? – Gorgy’s Park

  1. good for Kris kung manahimik na lang nga siya when it comes to her brother’s lovelife at sana ‘wag na niyang i-broadcast on tv ang mga nangyayari, napag-uusapan, or even the small details ng private life nila para tuloy siyang attention-seeker ang sagwa tingnan.

Leave a Reply

Your email address will not be published.