Iza Calzado at Sunshine Dizon, magkaaway by Gorgy’s Park

KASABAY NI MARIAN na nag-celebrate ng kaarawan nu’ng Miyerkules ay si Iza Calzado na nagtrabaho rin daw dahil nag-taping din ito para sa SRO. Pero, I’m sure may sarili rin silang moment ng non-showbiz boyfriend niya.

Tahimik lang kasi ito at hindi sanay sa showbiz ang boyfriend kaya hindi sinabi ni Iza kung saan nila sinelebrayt ang kanyang kaarawan.

Pero may nakarating na tsika na hindi raw binati ni Sunshine Dizon si Iza sa birthday nito.

Ang pagkakaalam ko matalik na magkaibigan ang dalawa at lalo silang naging close nu’ng nagsama sila sa All About Eve pero lately, marami ang nakapansing hindi nagbabatian ang dalawa.

Nasa Corregidor daw si Sunshine para sa segment niya sa Unang Hirit nu’ng nakaraang Miyerkules at may nagtsika sa amin na hindi man lang daw tinawagan ni Sunshine si Iza para batiin ito.

Nu’ng nakaraang Linggo nga sa SOP na kung saan sinilebrayt din ang birthday ni Iza, walang Sunshine na nag-surprise kahit VTR message man lang.

Okay kaya silang dalawa? Kung hindi, ano kaya ang dahilan? Aalamin natin iyan dahil pareho naman  silang dalawa na talagang nagsasabi ng totoo kung meron man silang problema.

Sa AUGUST  17 na magsisimula ang Survivor 2 Philippines na ginawa sa Palau Island at nagkaroon nga sila ng press launch kagabi.

Ang pagkakaalam ko inamin na ni Paolo Bediones na host nitong reality show na matagal na silang break ng girlfriend niyang si Abby Cruz.

Bago nagsimulang mag-taping ang Survivor, ang alam ko break na silang dalawa, pero tahimik lang sila.

Habang nasa Palau si Paolo, ilang beses na namin kinulit si Abby tungkol sa isyung ito pero tahimik lang siya.

Totoo kayang pinatahimik siya ni Paolo at sinabihang magsasalita lang ito ‘pag nandito na siya?

Tamang-tama namang nagpo-promote na ngayon si Paolo ng Survivor Philippines 2 kaya parang ang dating tuloy nagagamit ang isyung break-up para sa promo ng programa niya.

Wala pa kaming narinig na pahayag mula kay Abby pero may nakarating din sa amin, sinabihan na raw itong puwede na siyang magsalita tungkol sa break-up dahil nandito na si Paolo.

Sana huwag naman ganu’n, kasi ang dating tuloy parang magagamit pa si Abby at ang isyung iyan para sa promo ng Survivor. Hindi magandang tingnan.

Maraming puwedeng pag-usapan tungkol sa Survivor, huwag na sigurong kalkalin pa ang matagal nang break-up ng dalawa.

I’m sure matagal na nilang na-survive ang kalungkutan (kung meron man) ng break-up nilang ‘yun.

By Gorgy’s Park

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.