Iza Calzado and Alfred Vargas say no to Long Distance Relationships

ITINATANGGI NG ALAGA kong si Alfred Vargas ang huling intriga sa kanya na break na raw sila ng girlfriend niyang Fil-Italian na si Yasmien. Ang ganda pa naman nu’n, huh!

Nang nakausap ng Startalk reporter namin si Alfred na nasa Boracay para sa Nestea event, itinatanggi niya ito dahil okey na okey pa naman daw sila nitong si Yasmien. Naghihintay na lang daw siya ng ilang buwan at magga-graduate na rin ito at pagkatapos niyon, babalik na rito sa Pilipinas, at dito na siya permanently.

Aminado si Alfred na medyo nahihirapan siya sa long-distance love affair pero nama-manage naman daw nila nang maayos, at so far okey pa naman daw sila.

Seryoso ‘yang alaga ko riyan kaya tiyak na pagtitiyagaan niya ‘yan. Siguro naman ganundin ‘yung girl dahil dati palang fan iyan ng alaga ko, ha!

Sa ngayon, todo-kayod si Alfred dahil ‘pag nag-file na ito ng candidacy niya bilang konsehal ng District 2 ng Quezon City, hindi na siya mapapanood sa TV at medyo bakasyon na siya sa showbiz.

Mabuti’t maganda naman daw ang mga sinimulan niyang negosyo kaya ‘yun din ang isa sa pagkakaabalahan niya kapag hindi na siya ganu’n ka-active sa showbiz.

Marami naman ang pumuri sa kanya sa All About Eve, at natuwa naman ang GMA 7 sa kanya kaya tingin ko naman diyan, hindi siya pababayaan ng network kapag puwede na siyang bumalik sa showbiz.

Sana nga pagkatapos nitong All About Eve, meron pa siyang isa pang kasunod na regular show bago siya mag-rest sa susunod na taon.

GAYA NI ALFRED, ganu’n din ang tingin ni Iza Calzado pagdating sa long-distance love affair. Kaya kahit matagal na sila ng boyfriend niyang si Gerry, hindi pa rin nag-work dahil lagi ito sa Amerika, at hindi ganu’n kadalas ang pagkikita nila ni Iza.

May nakakita nga raw roon sa Las Vegas na kasama nitong dating boyfriend ni Iza si Cher Calvin at mukhang sila na.

Hiningan ng reaksiyon diyan si Iza, pero hindi muna siya nag-comment dahil gusto raw niyang makausap muna ang dating boyfriend para alam nito kung ano ang sasabihin niya. Nananatiling friends pa rin naman sila at sobrang laki raw ang respeto niya rito kay Gerry kaya kailangan mag-usap raw muna sila bago siya magbigay ng komento.

Sa ngayon, mukhang in love naman si Iza pero sobrang private daw ang lalaki, kaya iniiwasan na niya itong pag-usapan.

Basta ang clue ko lang diyan tungkol sa boyfriend ni Iza, kung siya ang Queen sa buhay nu’ng lalaki, King naman ito sa buhay ni Iza. ‘Yun na!

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.