IZA CALZADO, ‘DI TATANTANAN NI BODIE CRUZ!

PAGKATAPOS IPALABAS ANG first part ng Boracay episode ng top-rating youth-oriented show na Tween Hearts, marami nang hatemails ang young actor na si Hiro Magalona mula sa mga tagahanga at solid supporters ng loveteam nina Joyce Ching at Kristoffer Martin.

Laman nito ang mga hindi pagsang-ayon ng ‘Krisjoy’ sa pag-entra ng pamangkin ni Francis M. sa loveteam ng dalawa. Tsika pa raw ng fans nina Joyce at Kristoffer, maghanap na lang daw ng kapareha ang guwapitong bagets.

At dahil crush naman daw ni Hiro si Krystal Reyes, bakit hindi raw ito na lang ang ipareha sa kanya at huwag nang makigulo sa loveteam nina Joyce at Kristoffer. Kahit nga raw ang fans ni Hiro ay mas gustong ang petite na si Krystal ang maging ka-loveteam ng kanilang idolo.

In fairness kay Hiro, inabangan talaga ang pagpasok nito sa Tween Hearts. Tumaas ang ratings ng show, huh! Bukod pa sa marami ang nagsasabing ang cute nito sa mga eksena nila ni Joyce!

MALAKI PALA ANG TAMA ng guwapitong anak ng dating matinee idol na si Tirso ‘Pip’ Cruz III na si Bodie Cruz, former Pinoy Big Brother2 housemate at ngayon ay Kapuso na, sa magaling na aktres na si Iza Calzado.

Tsika pa ni Bodie, sa lahat daw ng stars na nakita niya in person, nagandahan daw talaga siya sa aktres. Bukod pa sa mabait daw ang dalaga ng magaling na direktor na si Lito Calzado. Isa nga raw si Iza sa gustong makatrabaho ni Bodie para raw mas makilala pa niya ito.

Sey pa ng binata, kahit marami ang humahanga kay Iza pero hangga’t hindi raw niya ito nakikitang nakasuot ng pangkasal, kampante siya na may tsansa siyang mapalapit sa dalaga.

BLIND ITEM: NAKAKALOKA naman ang drama ng young actor na mula sa isang artista search. Everytime kasi na natatanong ito tungkol sa kanyang relasyon sa isang magaling at mabait na young gay host, super denay ito at panay ang press release na magkaibigan lang sila.

Pero ang mismong malapit sa gay host ang nagpapatunay na may relasyon ang dalawa. Sa katunayan, ‘Beh’ as in baby, ang tawag ng young actor kay gay host.

Sey pa ng aming source, “Huwag nga siyang makadenay-denay d’yan! Kung ilang beses na ngang may nangyari sa kanila ng friend namin. At saksi kami do’n, ‘noh! Tapos padenay-denay pa siya, huh!”

Dagdag pa ng aming kausap, ang young actor pa raw ang nagti-text sa kaibigan nilang host at nagtatanong ng mga lakad nito. Kapag wala raw itong lakad ay pumupunta sa kanilang place ang super deny na young actor.

John’s Point
by John Fontanilla

loading...

2 thoughts on “IZA CALZADO, ‘DI TATANTANAN NI BODIE CRUZ!

    • Wow, busog si Rocco Nacino dahil kapal ng bulsa ni Tim Yap kung totoo man na sila itong Blind Item. Mayaman si Tim kaya I'm sure bongacious ang kaligayahan ng young actor .

Leave a Reply

Your email address will not be published.