Iza at Sunshine, nagpatalbugan sa TV project – Archie de Calma

MAY IRINGAN DAW na namamagitan kina Sunshine Dizon at Iza Calzado. Matagal nang nag-fold up ang All About Eve na pinagsamahan nila sa GMA-7, pero ngayon lang lumigwak ang mga chika ng personal and professional differences ng dalawa na kahit tapos na ang teleseryeng ‘yun ay hindi na naayos.

Hindi kaya nagkakainggitan na sa pagitan ng dalawa?  Nababaling na raw kay Iza ang atensiyon ng ilang GMA-7 executives dahil maayos ang pagtatrabaho nito at hindi raw nagbibigay ng sakit ng ulo sa staff.

Pero, hindi mababalewala ang pagka-diva ni Sunshine dahil kahit may chikang nega about her, hayan at nakatutok pa rin ang Siyete sa kanya. Siya ang itatampok sa  TV remake ng Tinik sa Dibdib na pinangunahan ni Nora Aunor sa movie version noon.

Hindi naman magpapatalbog si Iza. Siya ang napisil ng GMA executives to star in the TV remake of the Maricel Soriano classic, ang Kaya Kong Abutin ang Langit.

Kahit magkahiwalay muna sa trabaho sina Sunshine at Iza, asahan lang na marami pang intrigang magsisisulputan, thus, creating a rivalry.

HOW TIME FLIES! Ang anak nina Ogie Alcasid at Michelle Van Eimeren na si Sarah ay mag-e-eight years old na, samantalang magti-teenager na ang panganay nilang si Leila. Mag-e-enrol sa Chivalier, isang private catholic school si Leila sa pasukan.

“Magha-high school na siya, at noong April, binistita ko ang school, nagkaroon ng orientation. Napakaganda ng school at impressive ang musical background. Nag-wish tuloy ako na sana, noong high school, doon ako nag-aral,” nasabi na lang ni Ogie.

Kung tutuusin, walang problema si Ogie sa mga anak. Medyo tutok lang kay Leila dahil magti-teenager na ito, pero maganda naman daw ang pagpapalaki ni Michelle sa kanilang mga anak at disiplinado ang mga ito.
Nagpapasalamat na lang si Ogie dahil smart ang mga anak niya. Hindi pa man siya nagsasalita, naipaliwanag na sa mga ito ang situwasyon. Maski noong bago maghiwalay sina Ogie at Michelle, nasabi na nila sa mga anak nila ang tungkol sa lahat.

Kaya maski ang pagsulpot ni Regine Velasquez sa eksena ay walang naging problema sa mga bata. Ikakasal na si Michelle sa Australian na si Mark Morrow, kaya masasabing ang annulment na lang sa Pilipinas ang iniintindi nina Michelle at Ogie, at ‘pag naayos na ito, at saka lang magsasalita sina Ogie at Regine sa kahahantungan ng relasyon nila.

Sa sobrang gitgitan ng commitments ni Ogie, at katatapos din lang niya ng Yaya and Angelina (Spoiled Brat) , ang isusunod naman niya rito ay ang paggawa ng panibagong album. Ito ang dahilan kung bakit sa sobrang pagka-miss niya sa mga anak niya, nagbabalak na siyang bumalik sa Australia to be with them, probably, this November.

Calm Ever
Archie de Calma

loading...

8 thoughts on “Iza at Sunshine, nagpatalbugan sa TV project – Archie de Calma

  1. Inggit na naman ang mga mapapait na tagahanga ng kabila. Sino kaya ang laos, iyong laging may palabas o kaya iyong mga ni hindi na nakikita sa mga serya (nakakapanghinayang tuloy sina JudyAnn at iba pa, nasasayang lang). At saka common sense naman sa isa diyan, paano mo kaya malalaman kung may manonood sa palabas nina Iza, eh mga palabas sa dos ang pinanonood mo (hina ng utak). Claudine may be beautiful, but Iza is much more beautiful (at puwede ba, huwag i-discriminate ang mga yaya, maraming magagandang yaya ano, ignorante ka lang)…….

Leave a Reply

Your email address will not be published.