Iya Villania, may anak na kay Drew Arellano?

PINAGTAWANAN LANG NG TV host na si Iya Villania ang kumalat sa internet na picture niya kasama ang boyfriend na si Drew Arellano na may karga-kargang bata. Kumalat tuloy ang espekulasyon na may anak na sila ni Drew.

Nagsimulang pinag-usapan sa Twitter ang naturang litrato kung saan karga-karga ni Iya ang isang bagong panganak na sanggol at katabi pa niya si Drew sa larawan. Kuhang may lampin pang nakasabit sa balikat ni Iya para sa paglungad ng bata at ang background pa ay parang ospital. Kaya pinag-usapan tuloy na baka may anak na nga talaga ang dalawa!

Tawa lang nang tawa si Iya dahil naging isang malaking isyu na pala siya at pinag-usapan pa sa The Buzz noong Linggo. Kuwento sa amin mismo ni Iya, anak daw iyon ng best friend ni Drew na binisita nila. Mahilig lang daw sa bata itong si Iya kaya kinarga niya ang baby. ‘Di naman daw niya inakalang pagmumulan pala ng isyu ang litrato nilang dalawa.

Paliwanag pa ni Iya, imposible naman daw na manganak siya at magkaanak dahil siyempre dapat mabuntis muna siya at sa kanyang mga weekly exposures sa Us Girls at sa ASAP XV, hindi naman yata nakitang lumaki o lumobo man lang ang tiyan ng TV host. Kaya, katawa-tawa talaga ang isyung nanganak na siya!

Dapat talaga, mag-extra ingat ang mga artista lalo na sa kumukuha sa kanila ng litrato dahil ito na ngayon ang pinagmumulan ng mga intriga at kontrobersiya sa showbiz!

DAPAT NA SIGURONG pagtuunan ng pansin ni Kim Chiu ang kanyang kalusugan dahil parang marami na ang nakapapansin na medyo sumosobra na ang kapayatan nito. Workaholic daw kasi itong si Kim at talagang ratsada kung magtrabaho, kaya siguro pati ang kanyang kalusugan ay napapabayaan na niya.

May isa kaming kaibigan na nagkuwento sa amin na nag-enroll na pala sa isang gym itong si Kim at kumuha pa ng personal trainer para gabayan siya sa kanyang gain-weight program.

Importante kasi sa mga artista ang panatilihing maayos, malusog at maganda ang kanilang mga katawan dahil puhunan nila ito sa harap ng kamera, bukod sa kanilang magagandang mga mukha at talento.

AYAW NANG MADAWIT ni Carlene Aguilar sa mga isyung kumakalat ngayon tungkol kina Cristine Reyes at Jennylyn Mercado. Wala na raw siya sa buhay ni Dennis Trillo kaya kung sino man ang ma-link sa kanyang dating boyfriend, e wala na raw siyang pakialam. Ang tanging focus na lang niya ngayon ay ang kanyang anak na si Calix at patuloy pa rin naman daw ang pagbisita at sustento ni Dennis sa kanilang anak.

‘Yun na!

loading...

20 thoughts on “Iya Villania, may anak na kay Drew Arellano?

  1. ANG LAKAS TALAGA NG DATING NG HANGIN NITONG MGA MAKA NOYNOY ABNOY DITO. DAIG PA SI ONDOY. HINDI PA NGA NAG EELEKSYON, PRESIDENTE NA. OO NGA NAMAN NAGHAHANDA NA ANG MENTAL HOSPITAL PARA I WELCOME YUNG SPECIAL PATIENTS NILA.

    UNA SI ABNOY DAHIL KUNG ANU-ANONG SINABI NA NAMAN. BUMALIKTAD NA NAMAN SA PINANGAKO NYA KAY EL RAMBOTITO DE MAKATI NOGNOG BINAY. DAHIL NAPINTASAN SYA, BUMALIGTAD NA AGAD.TULAD DIN NG NANAY NYA, TAKSIL. HINDI PA MAN NAGTATAKSIL NA SA KASAMA. KUNDI BA NAMAN BALIW NAGLALAGAY NA NG TAUHAN SA PWESTO HINDI PA NGA NAGEELEKSYON. FEELING PRESIDENT NA. BALIW TALAGA

    IKALAWANG IPAPASOK S MENTAL AY YONG SISTER NIYA DAHIL PAGSASAKSAKIN DAW NYA ANG LAHAT NA PUMUPUNA SA KAPATID NIYANG BALIW. ARAY… TALAGANG MGA BALIW, BALIW, BALIW.

    ITO BA ANG KLASE NG MGA TAONG MAMUMUNO SA PILIPINAS? MGA SAKIM, MGA TAKSIL, AT MGA BALIW?

    • asus!…mas sakim sa states kung alam mo ang TMZ, mas grabeh un! no kaba! yan ang life sa SHOWBIZ! hahahahaha tanga!

  2. Sa lahat ng ayaw kay Noynoy ito ang SOLUSYON sa Problema nyo : Gumawa kayo ng mundo nyo at si Villar ang gawin nyong Presidente. E di tapos Problema nyo.

  3. yesterday I watched TV PATROL and I pity Senator Villar. I was disgusted of ABS-CBN. This station is so out there to ruin this man. the enire news was all about black propaganda against Villar. It would have been better if this staion reported about Noynoy Aquino’s achievements and other positive qualifications rather than mudslinging other candidates especially Villar. Because of this, I made up my mind not to vote for Aquino.

    • current events ang news at hindi history so i think they should report those of the current issues and not what other politicians have done in the past…achievements at present should be reported as well as other negative ones….that for me is fair reporting….i believe villar isnt the only one being talked about….everyone else was….if you decided not to vote for aquino, sorry to say but im not even convinced that you wanted him to begin with….but thats fine because we all have the right to choose….

  4. yeah. tapos sabi ni Maria Ressa ng ABS CBN na hindi daw nila irereveal sources nila pero pinakita na nila sa LP camp at pinagkumpara daw. Tapos biglang pinagdesisyonan nila na galing NP camp at binalita na nang hindi pa pinapakita sa NP camp. Biased talaga. Kinabahan ung so called “law professional” sa pinagsasabi ni Gilbert Remulla sa Punto Por Punto.

  5. The number one mudslinger and character assassin today is ABS-CBN. It is using it’s power nationwide and world wide to destroy Senator Manny Villar. and the Nationalista Party.

    It is reflected in certain ways the newscasters are acting. Sometimes their underlying nervousness and stress is noticed together with the false smiles. This is because they are forced to lie! They too need a psych-evaluation and some sort of therapy which will teach them to “TELL IT LIKE IT IS” !!!

  6. why would noynoy be humiliated with this letter kung hindi naman totoo and mga bentang sa kanya? if he is fit to be president, this won’t affect his ego.. a president needs character, character to deal with all issues affecting the country..

    the simple truth is Noynoy is NOT FIT TO BE PRESIDENT of the Philippines..

    academic proficiency (as compared to others) – lacking

    senate performance – weak

    clarity of “plataporma” – walang klaro

    Wake up Filipinos!!!

  7. To save their name, they are starting to neutralize things now…. they started when baby james shouting Villar name in one of Noynoy’s sorties…And now in this issue of NOYNOY’s Psycho report.

    A for effort but…. “I see your true colors shining true”. the real score behind this is :

    Ang nais nilang paputukin ay hindi ang sira sa ulo ni Noynoy. Ang nais nilang paputukin ay ang paggamit ng NP ng Dirty Tricks para sirain si Noynoy.

    Kaya kahit alam nilang di totoo ang balita, kanila pa rin itong inilabas, explicitly identifying their source as NP people but not naming them, para hindi na matukoy kung tama o mali ang balita at kung saan nga ba talaga nagmula ang impormasyon na may sira nga ang tuktok ni Noynoy.

    At ang kanilang kalasag: ang kanila umanong pagprotekta sa kanilang source.

    Bumibigat ngayon ang paniniwala ng karamihan na ang motibo ng naturang network ay ang tulungan ang LP sa pagsira sa imahe ng NP and in effect, sa kandidato nitong si Sen. Manny Villar.

  8. to bad!! i think a man who suffer into a mental illness should go into a mental hospital, NOT in MALACAñaNG

Leave a Reply

Your email address will not be published.