Iya Villania, lilipat na rin ng TV network?

KUMALAT SA INTERNET ang paglipat ni Rachelle Ann Go sa GMA-7 at noong Lunes nga naganap ang kumpirmasyon na makakasama na sa “Party Pilipinas” ang champion singer na naka-ilang taon din sa ASAP sa ABS-CBN.

Nakapagpaalam na rin nga si Rachelle sa kanyang co-champion na si Sarah Geronimo na kapamilya niya sa Viva at sa ASAP. I’m sure nakarating na rin ang balitang ito sa mga kapwa champion singers ni Rachelle lalo na sa ex-boyfriend nitong si Christian Bautista.

Noong una ay ayaw pa ngang aminin ni Rachelle ang kanyang napipintong paglipat. Sa Twitter page nito, sinabi niyang “Sa lahat po ng nagtatanung… Hindi ko pa po alam sa Viva kung anung kaganapan…Mangyayari ang dapat mangyari…lets not worry.. :’)”. Pero ngayong kumpirmado na ang lahat, nabawasan na naman ng champion singer ang ASAP XV.

Pero bali-balitang madadagdagan din naman ng isa pang magaling na singer ang roster ng ASAP dahil lilipat naman daw sa kabilang bakod si Gerald Santos. Naku, huh, parang exchange gift lang.

Pagkatapos ni Rachelle Ann, kumalat din sa Twitter ang paglipat diumano ni Iya Villania sa kabilang istasyon. Agad-agad naming tinext ang TV host-actress at kinumpirma nito na hindi totoo ang kumakalat na balita. Masaya at maraming proyekto si Iya sa ABS-CBN at sa mga subsidiaries nito kaya wala pang dahilan para lumipat.

Sa kasalukuyan, si Iya ay isa mga mainstay hosts ng ASAP XV, Us Girls at VJ ng Myx. Sa dami ng mga artista ngayon, ang magkaroon ka ng tatlong regular shows ay hindi na masama. Wala pa rito ang mga out of town rakets at endorsements niya. Kaya wala pa talagang dahilan para lumipat ng istasyon!

MARAMI ANG NAGTATAKA kung bakit naging ganu’n ang interview kay Claudine Barretto sa Showbiz Central noong Linggo. Parang may mali sa mukha ni Claudine dahil nahihirapan itong humarap sa camera at laging nakatagilid. Pati ang ayos ng kanyang buhok ay parang tinatakpan ang mukha niya. Usap-usapan ng ilan na baka nagpa-botox ang aktres kaya parang namamaga pa ang mukha nito. Wala pa kaming kumpirmasyong nakukuha kung bakit nga naging ganu’n ang kanyang interview!

Pero ang sigurado namin, head to head ang magkapatid na sina Claudine Barretto at Gretchen Baretto ngayong Sabado. Ngayong Sabado na magsisimula ang drama anthology ni Claudine sa GMA-7 samantalang ang pangalawang pagsabak ni Gretchen Baretto sa MMK naman ang mapapanood sa ABS-CBN. Ito ang nagbigay ng acting award kay Gretchen sa nakaraang PMPC Star Awards for TV at sa trailer pa lang ng napanood namin, e mukhang very promising na nga ang episode na ito.

Mapanood nga!

NEW TIMESLOT NA ang Us Girls ngayong Huwebes. Huwebes pa rin mapapanood ang inyong favorite lifestyle magazine show kasama sina Iya Villania, Chesca Garcia at Angel Aquino. Pero 9 P.M. na ang airing nito. Inusog para mapagbigayan ang ilang hiling ng mga viewers na medyo late na nakauuwi mula sa kanilang mga trabaho at eskuwelahan.

Ngayong Huwebes, exciting ang episode ng Us Girls dahil sa temang “Believe it or Not”, makakasama natin sina Lea Salonga at Agua Bendita star Matteo Guidicelli na sasamahan si Iya na mag-slide-diving at kayaking sa Club Manila East. Magpapakita rin kami ng ilang kakaibang restaurants at shops na hindi niyo aakalaing meron! At ‘eto pa, isang damit na puwede niyong suotin nang halos sampung iba’t ibang paraan!

Lahat ng ‘yan sa Us Girls, Huwebes 9 P.M. Nood ka, ha?!

loading...

18 thoughts on “Iya Villania, lilipat na rin ng TV network?

  1. lane engot maninira ka lng sablay pa, yun pari na mismo na nakapirma kuno sa report ang nagsabi na pineke yung pirma nya at di sya gumagawa ng psych report dahil di namn sya psychiatris hehehe engot manuod k n lng ng wowowee mag hephep hurray k

  2. I did my research. It’s absolutely true. The truth will definitely surface, just wait and see. Of course ABS-CBN will deny it. Cory Aquino is the reason they still exist. They will defend Cory’s children at all cost. Did you watch carefully Noynoy’s face when asked about this psychiatric issue? He is almost losing it. His demeanor explains itself.

    How would you like to have a drooling (tumutulo and laway) president? DEFINITELY NO!!!

    I am not a Villar supporter. I am a Filipino who only wants what’s best for my country.

  3. MS. LANE MGRESEARCH K MUNA BGO MANIWLA..FAKE ANG DOCUMENTS NI VILLAR….WLANG GANONG DOCUMENTS ANG ATENEO, THEY DENIED IT…..CGE IBOTO MO ANG LANDGRABBER, EWAN KO LNG PATI LUPA MO TITULUHAN NYA AT GAWING CAMELLA

  4. Nabasa nyo na ba ang pinakabagong balita ngayon naPsychiatric record ni Noynoy galing sa Ateneo? Hanapin nyo sa internet basta i type nyo lang sa search ang “Noynoy sira ulo” tapos mamili nalang kayo ng websites.

    Noynoy Aquino sira ulo pala. Mabuti nalang nalaman natin agad kundi baka magkaroon tayo ng presidente na may tupak. Napakadami yata ng problema ng presidente paano kaya ito haharapin ni Noynoy baka matuluyan na syang dalhin sa mental hospital

    Sino kaya ang angkan ng mga abnoy (may tupak) Aquino o Cojuangco. Namana lahat ni Kris at Noynoy

  5. di po lilipat c iya..wla daw reason para lumipat xia..kc 3 ang regular show nya..kya dont worry s mga gustong mag stay c iya…

  6. Sayang si Rachel di na namin sya mapapanood dito kasi TFC lang kami we never subscribe to GMA PinoyTv wala naman kwenta eh. To Rachel goodluck na lang sana bumalik ka sa Kapamilya someday.

  7. Lipat na Iya. Samahan mo ang mga kaibigan mo na Gutierrez brothers. Sigurado, sabay sabay kayong lulubog.
    Si Raymund at Richard, hindi nakayanan ang Party Pilipinas. Maski si Marian, wala lang. Si Iya pa kaya ?

  8. Maski lumipat sa GMA 7 sina Mark Bautista at
    Rachelle Ann Go, hindi ito malaking kawalaan sa ABS
    CBN dahil hindi naman mga big-stars sina Mark B at si
    Rachelle Ann Go, mahusay lang silang singers pero
    hindi sila star quality na dudumugin nang tao. Sa dami
    nang mga magagaling na bagong singers na nagsusulputan, madaling palitan sina Mark B at Rachelle
    nang ABS. Wise ang Dos, alam nila kung sino ang
    dapat pakawalan at kung sino ang dapat huwag
    paalisin. For sure hindi papayagan na umalis sa Dos
    ang mga certified box-office stars na sina Piolo P, Sam
    Milby, Kim and Gerald, Bea Alonzo, John Lloyd Cruz,
    Anne Curtis, Maja Salvador, Angelica Panganiban at
    Derek Ramsey including din ang mga teleseries top
    stars.

  9. May potential naman si Gerald dahil kahit paano nakakapanood naman ako ng shows ng 7. Kung sa boses lang may boses din naman.
    It’s just happen na merong kulang sa pagaalaga ng GMA sa talent nila. Aminin na natin na hindi sila ganoon kagaling mag pasikat ng artista. Meron kulang na hindi ko rin ma pin point.
    Wala namang masama kung naglilipatan ang artista dahil pedeng choice yun ng manager nila, pede rin namang choice nila.
    To Shin, I wish her luck sa bagong paglalakbay niya.

    May nagcomment na dahil naman daw sa VIVA kaya nagkakaroon ng concert abroad si Shin at hindi naman dahil sa TFC. Yes, it is true. Tho hindi maikakaila na nakatulong ang magandang exposure ni Shin sa ABS tru TFC para magkaroon ng mga concert abroad.

Leave a Reply

Your email address will not be published.