Iya Villania, ‘di affected sa bad breath issue! – Alex Brosas

NAG-REACT DAW ANG kampo ni Iya Villania sa isyung may bad breath diumano ang dalaga.

Inobserbahan daw ng mga katrabaho ni Iya ang kanyang pagsasalita at inalam nila kung mayroon ngang masamang amoy na nanggagaling sa bunganga ng dalaga. Hindi lang isang beses nilang ginawa ang pag-obserba sa dalaga at sa ilang araw na iyon, wala naman silang naamoy na hindi kaaya-aya mula sa bibig ng TV host.

Hindi naman daw affected si Iya dahil sa bagong issue sa kanya. Dedma nga lamang daw ito dahil wala naman itong katotohanan at secure na secure siya sa kanyang personal hygiene.

Ang mga taong nakapaligid kay Iya ang nagre-react dahil wala naman daw katotohanan ang bad breath issue sa dalaga.

Maski kami naman, naniniwala ring wala ngang bad breath ang dyowa ni Drew Arellano.

Anyway, masanay ka na sa intriga, Iya, ganyan talaga ang mundong iyong ginagalawan.

HANGGANG NGAYON PALA, may sama pa ng loob itong si Jimmy Bondoc kay Nyoy Volante.

Feeling kasi ni Jimmy, umeksena itong si Nyoy sa dyowa niya dating si Nina noong nagkakalabuan pa sila. Ang claim niya, hindi pa sila tuluyang hiwalay ng Soul Siren nang magsimulang manligaw si Nyoy. Hindi man lamang daw ito nagpasintabi sa kanya na liligawan na niya ang dalaga. Jimmy felt na inagawan siya ni Nyoy.

Ang konsolasyon na lang siguro ni Jimmy, hindi rin nagtagal ang relasyon nina Nyoy at Nina. At ang hindi lang maganda, nagkaroon pa sila ng issue sa pera na hindi naman nangyari noong magdyowa pa sina Nina at Jimmy.

Ang kuwento nga ni Jimmy, noong sila pa ng Soul Siren, nag-invest sila sa lupa. At nang maghiwalay sila, pinaghatian na nila ang property na nabili nila. Si Jimmy nga, nagpatayo na ng condo sa kanyang lupa.

BLIND ITEM: LEGENDARY talaga ang pagiging casino addict ng isang aktres na palaos na.

Noong nandito pa kasi siya sa bansa, hindi lumilipas ang buong maghapon ay laman siya ng casino. At kahit na may work, nakagagawa ng paraan ang aktres para maisingit ang kanyang gambling habit.

Minsan, sa isa niyang taping, nag-request ang aktres na ibigay sa kanya ang bayad na more than P100,000 dahil kailangang-kailangan niya ang pera. Nagpasabi na ang manager niya sa staff na sundin na lang ang kanyang alaga. May ugali kasi ang aktres na biglang hindi sisipot sa taping.

Tumupad naman sa usapan ang production ng teleserye. Kesa nga naman ma-pack-up ang kanilang taping dahil sa kaartehan ng aktres at lalo pang lumaki ang perhuwisyo, ibinigay na nila ang request nito. Ang kaso, tseke ang kanilang ibinigay sa aktres. Siyempre, naimbudo ang aktres dahil ang akala niya ay cash.

Sa takot ng staff na mabitin ang taping, sila na raw mismo ang gumawa ng paraan para mapalitan ng cash ang tseke.

Minadali ng aktres ang lahat ng kanyang eksena. Kinulit niya ang direktor na tapusin na ang lahat ng kanyang sequences dahil may importante siyang lakad.

So, ano ang very important na lakad ng aktres? Kailangan pa bang i-memorize iyan? Eh, ‘di casino!

Hayun, pagkatapos ng lahat ng kanyang eksena, inubos lahat ng aktres ang kanyang isang araw na talent fee sa casino.

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

Related Post

loading...

9 thoughts on “Iya Villania, ‘di affected sa bad breath issue! – Alex Brosas

  1. IM SURE LAHAT NG ADVICE NA NAKA POST EH GINAWA MO NA PERO WA EPEK TRY MO KAYA MAG MUMOG NG MR. MUSCLE. IM SURE BEING A CHIMAY EH EXPERT KA SA MGA MURIATIC ACID AS IN LAHAT NG BRANDS……..HAHAHAHA……….INDAY ANG SINAING BAKA MASUNOG NAKU FOR SURE EH LATIGO ANG AABUTIN MO…..BWAHAHAHAHA………

  2. NARINIG MO SHEBIE. MARAMING ADVICE DITO TUNGKOL SA CURE FOR BAD BREATH. GUMAMIT KA KAYA. ANG BAHO NA NG BUNGANGA MO.

  3. Walang problema kahit badbreath yan. Eh di tirahin mo ng patalikod para di mo maamoy ang baho ng bunganga! Saka di naman bunganga titirahin mo. Papamumog ko dyan yung tamod ko para mawala kabahuan niyan.

  4. Bad breath or halitosis can be easily elimated by using mouthwash with hexetidine or triclosan.~’~

  5. kung laos na si nora bakit isinusulat pa ng alex na eto. nora is nora wala pang makaka break sa kanyang record kaya nga superstar at talagang superstar. HINDI KATULAD NG IBANG TAG NAME ng ibang star peke gawa gawa ng mga walang kuwentang reporter.

Leave a Reply

Your email address will not be published.