IWAS PUSOY: Direk Erik Matti, itinatago ang karakter ni Arjo Atayde sa ‘Buy Bust’

Arjo Atayde and Direk Erik Matti

NO DOUBT na isa sa mga magagaling nating aktor sa kasalukuyan ay si Arjo Atayde.

Kahit saan mo man siya isabak na role, keri niya itawid ito with flying colors.

Hindi si Arjo ang mangangalandakan na sasabihin niya na magaling siya pero ang kapwa niya artista lalo na ang kanyang director.

Sa bagong pelikulang aksyon ni Direk Erik Matti na Buy Bust ng Reality Entertainment at Viva Films ay kasama sa cast si Arjo. Pero ang nakakaintriga ay hanggang ngayon ay inililihim pa pa rin ang karakter niya sa pelikula or kung ano siya sa pelikula.

Sa presscon ay tinanong si Arjo pero todo iwas siya na mai-reveal ang karakter niya sa movie.

Sa FDCP send-off media conference recently para sa anim na pelikula na panlaban ng Pilipinas para sa New York Asian Film Festival, andun si Direk Erik na naitanong namin sa kanya kung ano ang role ni Arjo.

Pero iwas pusoy siya sa tanong. Basta sabi niya: “He is a very good actor.”

Ang Buy Bust ay kabilang sa pelikula para sa NYAFF ay ipapalabas na sa bansa sa darating na August 1.

 

Reyted K
By RK Villacorta

Related Post

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.