Iwa Moto, sobra ang panggagamit kay Jodi Sta. Maria

SANA NAMAN, kumita nang bongga sa takilya ang indie film na ipino-promote nitong si Iwa Moto. Sana, nakatulong sa pagpo-promote niya ang pag-usapan ang “legal na asawa pa rin” na si Jodi Sta. Maria.

Juice ko, kung hindi pa dahil sa panggagamit kay Jodi, hindi pa siya maiinterbyu on cam at ng ibang reporters. Eh, ‘pag hindi pa kumita ang movie na ‘yan, baka isisi rin niya kay Jodi, ha?

 

NAKAKALOKAH LANG ‘tong batang ito. Alam na pala niya noon na hindi siya papatulan ni Jodi eh, kumbakit sige siya nang sige sa kadadakdak against Jodi. Whether tama ang alam niyang kuwento, eh kung ayaw naman siyang sagutin eh, balewala rin.

Mas magandang manahimik ka na lang, Iwa. Ang mas maigi pa eh, i-enjoy mo ang love affair n’yo ng asawa-pa-rin-hanggang-ngayon ni Jodi kesa lagi mong ituon ang atensiyon mo sa bising-busy na si Jodi.

‘Wag mo na ring ikatuwiran na hindi ka naman naghahangad na sumikat at ang hangad mo lang ay ‘yung meron kang gawin. Eh, ‘di mag-concentrate ka na lang du’n. Kahit pa sabihin mong itinatanong lang naman sa ‘yo si Jodi ng mga reporters at sinasagot mo lang, eh mas maiging manahimik ka na lang.

Kasi, ni wala ka ngang nariri-nig na kasiraan mo mula mismo sa bibig ni Jodi, eh. So, kung feeling mo, “inapi” ni Jodi si Pampi Lacson eh, mas magandang si Pampi na lang ang pagsalitain mo.

Tutal, wala ka pa naman sa eksena ng buhay nila nu’ng sila pa, hindi ba?

Anak, bigyan mo ng respeto ang sarili mo, ha? ‘Yung ganda mong ‘yan, samahan mo ng konting respeto sa sarili para hindi matabunan ng mga pinaggagawa mo ‘yung maganda mong mukha.

 

PARANG NANGANGAMOY senador sa press launch ng Blackwater Elite Homme eau de toilette, dahil sa presensiya ng kanilang endorser na si Cong. Sonny Angara.

Kala namin, “Smell like a Senator” na ang catchline ng naturang pabangong gawa ng Ever Bilena Cosmetics, Inc. Dahil ang tanong nga namin that afternoon ay paano kung hindi magwaging senador ang anak ng beteranong politician na si Sen. Ed Angara, ‘di ba?

“No, para lang ‘yan dito sa presscon. Whether he wins or he loses, siya pa rin ang endorser namin ng Blackwater Elite Homme,” sabi ng isa sa mga partners ng Ever Bilena.

Although we must admit na isa sa mga iboboto namin si Cong. Sonny, dahil anak ‘yan ng gumawa ng batas na bigyan ng 20% discount ang mga senior citizens.

At in fairness, mukha namang “mabango” si Cong. Angara at sana, tuluy-tuloy ang bango na ‘yan sa election next year.

‘Di ba, Tita Aster Amoyo?

 

KUNG LAGI kayong naka-online nang 3pm, watch n’yo lang ang Vibes Tayo sa www.ustream.tv/channel/vibes-tayo para sa iba pang nakakalokang showbiz tsika at i-like na rin kami sa facebook, pati na ang The Ogie Diaz.

 

Oh My G!
by Ogie Diaz

loading...

13 thoughts on “Iwa Moto, sobra ang panggagamit kay Jodi Sta. Maria

  1. haaay.. sana tigilan niya di na nga nagmumukhang lang siyang katawa tawa kasi di naman siya pinapakialamanan ni jodi.. yun na

  2. ang problema naman sa mga tao dyan kapag nagsasabi ng totoo masama ka,kasi ayaw ninyong masiraan ang mga artista sa network ninyo,dba gaya ni kris ni willy ni ann at marami pang iba diretso silang magsalita ndi iyong pahiya hiya pa basta totoo wag magalit solid kapamilya kyo kasi kaya apektado kyo..

    • eh totoo ba naman ang sinasabi ni h-Iwa? … bakit hindi mo alamin kay jodi at pampi ang totoong istorya para naman maniwala kami na “totoo” nga ang sinasabi mo ayon sa pahayag ni h-Iwa? … in the first place, ano ba ang kredibilidad ni h-Iwa? … alamin mo na rin at share mo sa ‘men!

    • At she doesn’t have the right nmn kc.. binasa mo b ung article, teh???? db nga the issue was about Pampi and Jodi not her… so why nakikialam siya? get it????

      • aba, pinagtatanggol basi iwa? hahah! baka parehas kayong laosyana at starlet? hahahaha! pwede ba ano bang paniniwalaan kay iwa muta eh, sinungaling at bitter yang babaeng yan… alam niya kasi na sikat at popular ngayon si jodi kaya panay ang panggagamit niya mapagusapan lang ang naghihingalo niyang career hahahaha!

  3. At sino ba naman kasi yang Iwa Moto na yan? Dinaman kilala at di sumikat-sikat. Mahilig lang manggamit. Mas hinahangaan ko si Jodi sa di niya pagpatol sa isang tulad ni Iwa.

  4. Poor Iwa!!! Kahit pa sbhin nia na msma si Jodi, nsa kanya parin nmn ang simpatya ng mga tao.
    Nobody likes you, Iwa. Go, do what you want. The next day wala ka nang project. lol

  5. she needs a career! GF pa lang naman sya. kung yung guy tahimik, sya na di naman kasali ang nag-iingay, pinapahiya nya rin ang BF nya dahil sa asta nya, anak pa naman ng senator yung kasama nya ngayon.

Leave a Reply

Your email address will not be published.