Iwa Moto, napansin nang magkontrabida – Lolit Solis

MAGANDANG BREAK NGA kay Iwa Moto itong ibinigay sa kanya na role

na Valentina sa Darna dahil marami na ang nakakapansin sa kanya.

Lalo pa nga siyang gumaganda ngayon at nanatiling sexy kaya dapat na i-maintain niya iyan dahil talagang nakikipagtalbugan siya kay Marian Rivera sa Darna.

Hindi rin nagpapahuli si Nadine Samonte bilang babaeng impakta dahil nakitaan na rin daw ito ng galing.

Kaya lalong dumarami ang sumusubaybay sa Darna dahil talagang ibinuhos na nila ang galing nila dito.

Marami pa ra twist na dapat abangan sa Darna kaya tuloy lang ang pagtutok niyo.

Hindi lang nga sa buong bansa hit itong Darna kundi pati na rin sa Amerika, ang dami nang nababaliw doon sa pagsubaybay sa bagong fantaseryeng ito ng GMA-7.

Nakakatawa pa nga dahil ang buong akala nila, bagong kanta itong Narda ng Kamikazee na theme song ng Darna dahil ngayon lang nila ito narinig.

Hindi rin nila alam na nabuo itong kantang Narda ng Kamikazee dahil kay Angel Locsin na unang gumanap bilang Darna sa GMA-7.

Hindi lang ito nagamit sa Darna ni Angel dahil huli na lang ito na-record at pinasikat ng Kamikazee.

Kaya tuloy, si Marian ang nakinabang nang husto sa kantang ito.

Ang suwerte talaga ni Marian, ‘di ba?

Pero balik tayo kay Iwa, hindi lang si Marian ang pinasikat nang husto ng Marimar kundi pati na rin si Katrina Halili na nagpakita ng galing bilang kontrabida.

Kaya dito sa Darna, mukhang si Iwa ang susunod na pasisikatin nang husto dahil siya ang main kontrabida dito.

Other showbiz news today by Lolit Solis:

Starstruck auditions, dinumog ng bagets

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

12 thoughts on “Iwa Moto, napansin nang magkontrabida – Lolit Solis

  1. Message to marian fan ako_never!:
    For Marian Rivera, kaya sya na boo sa Cebu kasi #1 ang Ch.2 duon sa Cebu kaya ganun. Ilang beses na may nabalita tungkol sa katarayan ni Marian Rivera at lahat ito ay totoo but indi ito naging maingay kumbaga napagtatakpan. They pay most writers. For me, I salute GMA-7 for this. Kasi kahit may pangit na ugali artista nila, gumagawa pa din sila ng way para indi ito maikalat at bolahin ang mga tao na naniniwala naman. Kaya for me magaling ang PR ng GMA-7 sa ABS-CBN. Kasi ang mga talent ng DOS pag may negang news wala silang ginagawa para pagtakpan ito.

  2. Message to marian fan ako_never!:
    FYI: Lahat ng movie outfit nagf-fadding ng total na kinita ng movie nila para magandang pakinggan at ung Box Office Mojo ang syang nagsasabi ng totoong kinita ng isang movie wether it is local or foreign film. Kaya trusted yan sa industry. Di natin masisisi ang mga movie outfit kung mag-fadding sila kasi nakakahiya nga naman sa mga fans nila. Ganyan ang sitwasyon sa movie industry but I check all the movies for 2009 still Star Cinema pa din ang nangunguna.

    For Marian Rivera, isang movie pa lang ang kumita ito ang My BF’s GF but the rest ay flop.

  3. ___7Ako___
    hay naku visit ka nga sa mga various blogs sa internet nd try to visit sa mojo box office result philippines…..
    my goshh puro negative ang mabbsa mo about ky marian rivera…….7million ang press release ni manny valera ang kinita daw ng tarot but the other bloggers stir.ph is 2.2 million lang kinita nito nd padding lang ang press release ng regal films..even the mojo results ay walang tarot sa top ten box office for august 2009…….
    youtube scandal ni marian ay millions na ang nakapanood that’s why everybody knows her but sad to say she is known for the best of the worst star ever..so negative ang feedback sa kanya…i pity marian but she deserves the mockery what she gets from the masses since sumobra ang pagging totoo nya na wala sa lugar….
    i understand lolit since she is working with gma 7 nd she need to make takip all the kagagahan of marian or else mwwlan sha ng raket if titirahin nya pa ito….
    sad nga lang kse sikat nga si marian pero sikat sa kamalditahan,,npaka pangit ng imahe nya sa sambayanang pilipino,,,dba nga na boo pa sha when she visited cebu for sinulog nd all local tabloids in cebu pinag usapan yung pag boo sa knya………
    cguro nga nag bago na si marian but the fact na pinakta nya sa isang fan yung pag bulyaw ay mahirap na burahin sa kamalayan ng mga fans…
    givng the chance is ok but reality check is always on the shadow..kaakibat na ni marian ang pagiging nega sa mga tao…..
    kung sana na maintain nya yung dating marian na mukhang mabait,inosente at laging nakayuko eh di sna mraming magmamahal sa kanya……

  4. hahahahahahahahahaha!!!
    liar ka tlga lolita,,maglibot ka kya sa buong pilipinas at tate if may nanonood kay marian….kung ang pelikula nya na tarot na pnalabas jan sa manila eh konti lang nanood eh ano nalang kya kya sa cebu at davao?nilangaw ang tarot for the information of everyone……how much more sa abroad,,shows ni marian flop nga,,kung hndi pa namigay ng free tickets ang organizer alang manood!!! nakilala lang lang naman si marian bcoz of her bad attitude…..

  5. nanonood ako ng darna b4 pero nung binago ng gme ang time slot at itinaon sa time slot ng tayong dalwa sa tfc eh di ko na pinapaoon..kasy tayong dalawa rules…abs rules

    • Ay sus, TFC ka pala, obvious na maka ABS ka, so huwag mo ng i-promote na nanonood ka ng DARNA dati (huwag mong sabihing may GMA Pinoy TV ka rin, echosera), hindi ka kawalan. Napakaraming followers ang DARNA…..

    • sorry ka, malayong malayo si Lolit kay Cristy Fermin!!! Proof niyan ay hanggang ngayon ay blessed pa rin si Lolit ng maraming trabaho (PR/publicist work, hosting job, radio work, writing jobs, etc.). Hanggang ngayon ay maraming nagtitiwala sa kanya (kahit nagkaroon siya ng ilang sablay), di tulad kay Fermin…..

  6. manay lolit, tinanggap mo $100 na bigay ni mikey arroyo para matahimik ka sa pagkutya sa kanya. magkano ba ang presyo nman ang binigay sau ng gme para pagusapan ang mga talents ng gme ha?
    bayaran ka talaga.

    • pareho rin ng bayad ng EBS kay Boy Abunda, para isulat ang mga artista nila…….

      si Lolit, kahit harbat queen, at least vocal siya doon, hindi tulad ng ibang writers na identified sa EBS (masyadong pretentious at hypocrites)

Leave a Reply

Your email address will not be published.