Iwa Moto, masayang-masaya sa pagbubuntis

WALA RAW pagsisisi at masayang-masaya si Iwa Moto sa kanyang pagbubuntis, kung saan 3 months na ito courtesy ng kanyang boyfriend na si Pampi Lacson. Marami nga ang nanghinayang kay Iwa dahil mas pinaboran nito ang kanyang buhay pag-ibig kaysa sa kanyang unti-unti nang gu-magandang career.

Hindi rin naman daw masisisi si Iwa dahil likas na talaga rito ang pagbibigay ng 100% kapag in love na in love. Kung sa bagay, minsan na rin naman nitong nasabi sa amin na handa niyang iwanan ang kanyang career kapag natagpuan na niya ang Mr. Right ng kanyang buhay. At marahil ay natagpuan na niya ito sa katauhan ni Pampi.

Kung makikita nga si Iwa sa mga panahong ito, super blooming ito, kitang-kita ang sobra-sobrang saya sa buhay sa ngayon. Marahil, ito talaga ang buhay na gusto ni Iwa, ang magkaroon ng asawa’t anak. Kaya naman daw pass muna sa kanyang showbiz career si Iwa at nangako namang babalik kapag nakapanganak na .

 

UMAASA PA rin ang controversial attorney, very generous at matulungin na si Atty. Ferdinand Topacio na magkakabati sila at magkakayos ng mag-inang Bea at Carina Binene. At kahi’t nga nagsampa na ng demanda si Atty. sa mag-ina ay open pa rin daw si Atty. na magkausap sila at matapos na kung ano man ang issue sa kanila.

Dagdag pa ni Atty. Topacio na hindi kaaway bagkus ay kaibigan ang hanap niya sa showbiz. Hindi na naman daw siya bumabata para makipag-away, gusto niya raw laging masaya at bati-bati lahat.

“But hindi natin alam, somewhere down the line baka magkabati rin kami at maging magkaibigan uli. Sa edad kong ito, ang hinahanap ko ay puro kaibigan, hindi kaaway. ”

At kahi’t nga nagkaroon ng kontrobersiya sa pagtulong niya kay Bea at Marvelous Alejo ng TV 5, hindi pa rin nagsasawang tumulong si Atty. Topacio sa aspiring tatlents. Pero this time, lalaki naman ang tinutulungan ni Atty. at ito ay ang 19-year-old very charming na si Xavier Cruz.
“I’m very confident… I think we have a winner here. Kumpara naman sa iba, eh, makikisabay naman s’ya,” pagtatapos ni Atty. Topacio.

 

WAGI BILANG 1st Runner-Up ang Pinay na si Stephanie Retuya, na dating alaga ni Kuya Germs sa Walang Tulugan bilang isa sa teens stars ng midnight show, sa Asia’s Next Top Model noong nakaraang Sunday, February 17 sa Singapore.

Nakuha ng ating Philippine representative ang puwesto sa Asian franchise ng pamosong reality-model search na America’s Next Top Model na pinagwagian ng Thailand representative na si Jessica Amornkuldilok. Second Runner-Up naman si Kate Ma ng Taiwan.

Bilang winner ng Asia’s Next Top Model, meron na siyang kontrata with London-based Storm Models that represents supermodels Kate Moss and Cindy Crawford. The contract includes a three-month, all expense working trip to London. Magiging cover din siya ng Harper’s Bazaar magazine, a 2013 campaign for Canon IXUS, a new Subaru XV and $100,000 cash prize.

 

LULUSOB NGAYONG araw, Feb. 20, ng 4 p.m. sa PUP Sta Mesa para sa pagpa-patuloy ng kanilang school tour ang ginawaran ng 33rd People’s Choice Award 2013 bilang “Internet Sensation/ Outstanding Boyband of the Year 2013, ang UPGRADE na kinabibilangan nina Kcee, Miggy, Rhem, Raymond, Armond, Ron at Mark.

Bukod sa PUP Sta Mesa, magpupunta rin ang UPGRADE sa Feb. 22 4 p.m. sa SM Pampanga para sa coronation ng Mr. and Ms. College of Arts and Sciences ng Don Honorio Technological State University at sa Roosevelt College of San Mateo Rizal; sa Feb. 23, sa Amoranto para sa event ng Informatics International College; March 3, Star Mall San Jose, Bulacan, 4 p.m.; March 10, Star Mall Edsa, 4 p.m.; March 8, University of the East Manila; March 15, Perpetual Help College Manila; at March 17, Star Mall Alabang, 4 p.m.

 John’s Point
by John Fontanilla

loading...

3 thoughts on “Iwa Moto, masayang-masaya sa pagbubuntis

  1. YESSS !!! .. now i know UPGRADE’s SCHED na .. :)
    gushh !! they were the hottest BOYBAND ngayun .. esp. sa mga TEENAGERS..
    yung mga di nakakakilala sakanila malamang THUNDER BIRD na .. :D
    THANKS FOR THE SCHED tito JOHN FONTANILLA .. :)

  2. dyusko, item na naman ni john fontanilla ang upgrade na da who naman, haha! haynaku, pilit talagang pinaiingay ng baklitang ito ang mga boytoy niya haha! grabe huh! kada write up na lang niya parating sincha ang nababasa ko… hoy, yung mga kilala at sikat naman ang isulat mo ungas!

Leave a Reply

Your email address will not be published.